Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: Sa Kanya Instrumental)
Lumipas na ang dalawang taon. May kanya kanya ng buhay sila Clyde, Ish at Ash. Hindi na muling nagparamdam si Kyler kay Ish.
(Sa bahay nila Ash)
Tumawag si Ashy kay Clyde.
"Hello babe?" Tanong ni Ash.
"Oh, napatawag ka?"
"Punta ka dito sa bahay ng mga 6pm. May reunion tayo."
"Reunion? Oh sige."
"Wag ka mawawala ah. Asahan kita. Sige bye."
(Sabay baba ng mga cellphone)
(6:30pm)
(Sa bahay nila Ash)
"Hi Ash!" Bati ng mga babaeng kararating lang.
"Hello!" Sagot ni Ash sabay beso. "Buti nakarating kayo. Pasok kayo, maraming pagkain sa loob." Sabay ngiti.
(At pumasok na nga ang mga babae)
(Sa loob)
"Ang tagal naman ni baby Clyde." Sabi ni Ash.
"Hi Ash." Nakangiting sabi ng isang babae.
Humarap si Ash. "Ish?"
"Parang nakakita ka naman ng multo."
"Pano mo nalaman?"
"Ano ka ba. Diba bestfriend tayo?" Nakangiting sabi ni Ish. "Kahit na wala kang balak imbitahan ako."
Niyakap ng mahigpit ni Ash si Ish. "Namiss kita girl!"
"Namiss din kita bakla!"
"Ano, kamusta ka na?" Tanong ni Ash.
"Okay naman. Ikaw? Ang ganda mo na bakla! Nahiwalay ka lang sakin, bigla kang nagblooming."
Tumawa si Ash. "Ano ka ba, matagal na kong maganda no. Ikaw kamusta ka na? Sorry ha, iniwan kita."
"Sus. Okay lang un. Naiintindihan naman kita eh. Okay lang ako. Eto, single." Sabay tawa.
"Talaga? Wala kang naging jowa simula nung ano?"
"Wala eh. Natuto na ko sa mga pagkakamali ko."
"Naks naman teh! Oh sige na, kumain ka na jan."
Tumawa si Ish. "Sige."
Habang kumakain si Ish kasama ang ibang mga babae sa iisang table ay dumating naman na si Clyde.
"Ash." Bungad ni Clyde.
"Grabe naman babe. Diba 6pm sabi ko. 8:00 na oh."
Tumawa si Clyde. "May inasikaso pa kasi eh. Grabe ha, ang bongga ng party mo."
"Lika na dito, kumain ka na."
Habang kumukuha ng pagkain si Clyde ay nakita na siya ni Ish.
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Teen Fiction"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...