Makalipas ang ilang araw..
(9:40am)
Si Clyde ay naglakad lakad malapit sa bahay nila Ash, hanggang sa makasalubong niya si Louise.
Kinakalabit ni Louise si Clyde.
"Hello. Bakit mo ko kinakalabit?" Tanong ni Clyde.
Ngumiti ng Louise. "Hmmm. Ikaw ba si kuya Clyde?"
Nagtaka si Clyde. "Oo. Pano mo nalaman?"
"Nasan si ate Ish?"
"Ha? Kilala mo siya?"
"Opo. Ate ko siya eh."
"Talaga? Wala siya dito eh."
"Namimiss ko na siya. Sabi niya sakin asawa ka niya, pero di mo daw alam yun." Tumawa si Louise.
Napangiti si Clyde. "Kwentuhan mo nga ako tungkol sakanya."
"Si ate Ish, sobrang bait. Lagi niya ko pinupuntahan sa bahay namin. Tinuruan niya ko kumain mag-isa at matulog tuwing tanghali. Lagi siya nakikipag play sakin." Tumawa si Louise. "Masarap pa siya magluto. Kahit may sakit siya, inaalagaan niya ko."
"Wow naman."
"Yun nga lang, umalis na siya. Pero may binigay siyang letter sakin. Ito po oh." Sabay abot ng sulat.
Binasa ni Clyde ang sulat. "Hi baby Louise. Nakaalis na ko kung sakaling mabasa mo to. Sorry baby, kailangan ng umalis ni ate ha. Lagi mong tatandaan na wala man ako sa tabi mo, nanjan naman ako sa puso mo. Wag mo kakalimutan yung mga tinuro ko sayo and be a good girl okay? Pag nakita mo si kuya Clyde mo, wag mo siyang susungitan ha. Remember, asawa siya ni ate. I love you Louise and always take care. Love, ate Ish."
"Ang haba ng sulat ni ate no?" Tumatawang sabi ni Louise.
Napaisip si Clyde.
"San yung bahay niyo Louise?"
"Dun po. Tara!"
(Sa bahay nila Karl)
"Daddy!" Sigaw ni Louise.
(Pagkabukas ng gate)
"Ikaw?" Tanong ni Karl.
"Daddy, siya si kuya Clyde."
"Louise, dun ka muna sa loob."
Pumasok na si Louise sa loob at lumabas naman si Karl.
"Daddy ka ni Louise?" Tanong ni Clyde.
"Oo. Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto kong humingi ng dispensa sa nagawa ko nung nakaraan."
Ngumiti si Karl. "Wala yun pre. Kay Ish ka dapat mag sorry."
"Nasan siya? Wala ba siya dito?"
"Wala siya dito. Umalis din siya nung gabing yun. Bumalik na siya ng Manila."
"Ganun ba?"
"Alam mo pre, lagi kang kinukwento dito ni Ish."
Kinwento nga ni Karl lahat ng sinabi sakanya ni Ish.
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Roman pour Adolescents"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...