Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: Breakeven Instrumental)
(Makalipas ang ilang buwan)
(Sa bahay nila Ish)
"Cai, nadala mo na ba lahat ng gamit mo dito?" Tanong ni Ish.
"Oo cai. Excited na nga ko bukas eh."
"Ako din." Nakangiting sagot ni Ish. "Ano Ash, ikaw naayos mo na ba yung mga gamit mo?"
"Oo teh. Ilang araw ba tayo dun?"
"Kung gusto mo, dun ka na tumira eh."
"Yung seryoso naman teh."
"Kahit ilan. 1 week, 1 month, 1 year. Kapag nagsawa na tayo, edi uuwi na tayo."
"Ang sarap talaga ng buhay graduate." Sabat ni Clyde.
Kinabukasan ay umalis na nga ang tatlo. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa San Francisco.
"Ito na ba yung bahay niyo Ish? Grabe ang ganda!" Sabi ni Ash.
"Akin na yang mga gamit mo cai, ipapasok ko nasa loob."
Inayos na ng tatlo ang mga gamit nila at saka nagpahinga. At dahil dalawa lang ang kwarto dito ay nagsama nalang sa iisang kwarto ang magkasintahan.
"Dito nalang ako sa lapag cai." Sabi ni Clyde.
"Sure ka? Malamig jan."
"Okay lang, naka jacket naman ako eh."
"Hmmm sige. Goodnight." Sabay halik. "I love you."
"Goodnight, I love you too."
(At natulog na nga ang dalawa)
(Kinabukasan)
(Sa kitchen)
Habang nagluluto ng almusal si Clyde ay biglang lumapit sakanya si Ish at niyakap habang nakatalikod ang binata.
"Good morning cai."
"Oh, gising ka na pala." Humarap kay Ish at hinalikan ito sa noo. "Upo ka na, kakain na tayo."
Ngumiti lang si Ish.
"Hindi na ba natin aantayin magising si Ash?" Tanong ni Ish.
"Hayaan na muna natin siya, mukang napagod eh." Sbay upo. "Tara, kain na tayo."
(Habang kumakain)
"Tuwing kelan lang kayo pumupunta dito?" Tanong ni Clyde.
"Hmm. Tuwing bakasyon pero simula nung namatay sila daddy, hindi na ko nagpunta dito. Ngayon na nga lang uli eh."
"Buti naman. Kasi wala kang kasama dito. Delikado."
Ngumiti si Ish. "Ayoko namang mag isa dito no. Ang lungkot kaya."
"Oo pero ngayon, di ka na malulungkot. Andito na ko eh."
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Fiksi Remaja"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...