Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: Bleeding Love Instrumental)
"AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Ish at biglang napaupo sa kama.
Hinihingal ang dalaga na para bang naghahanap ng hangin. "Akala ko totoo. Binangungot na naman pala ako." Sabay punas sa muka niya.
"What happened?" Tanong ng katabi niyang lalaking foreigner.
"Nothing. I just had a nightmare about my past." Sabay taas ng kumot na nakatakip sa hubad niyang katawan.
"Oh. Okay." Sagot ng lalaki.
"What time is it?" Tanong ni Ish.
"It's 8:30am."
"8:30? Oh my gosh! I need to go!" Dali daling tumayo si Ish at nagbihis.
"Wait! Why? Where are you going?" Tanong ng lalaki.
"I'm late for school. I have to go. Thanks for the last night!" Sagot ni Ish habang tinatali ang mahaba niyang buhok saka umalis.
Halos isa't kalahating taon na ang nakakalipas simula ng lokohin ni Kyler si Ish. 4th year college na siya ngayon at talagang nakapag move on na siya. Hindi na rin nagparamdam sakanya si Kyler at ang ex-bestfriend niyang si Lex. Malaki na rin ang pinagbago ng dalaga. Ang dating mahinhin ay naging maingay. Ang dating puno ng pag galang ay naging pasaway. At ang dating stick to one ay naging playgirl. It's a brand new life for her.
(Sa paaralan)
Habang nagle-lecture ang professor ay bigla na lang pumasok si Ish at naupo.
"Oh, bat pumasok ka pa? You're one hour late. 30 minutes na lang ako dito." Tanong ng prof niya.
"Buti nga pumasok pa ko eh. At buti nga ginaganahan pa ko sa subject mo." Sagot ni Ish sabay tawa.
(Tumawa rin ang buong klase)
"This is just a warning. Sa susunod, 5.0 na ang attendance mo."
"Whatever. I'm used to this." Nakangiting sagot ni Ish.
(Lunch Break)
"Hoy teh! Sira ulo ka talaga! Sinagot mo na naman si ma'am!" Natatawang sabi ni Ash.
"Attendance lang yun. Puro uno nga ako sa written sa kanya eh." Pabidang sagot ni Ish.
"Ano ka ba! Malay mo mo mahatak! Tatawanan talaga kita pag hindi ka naka graduate."
Binatukan si Ash. "Idadamay kita bakla! For better or for worse tayo diba?" Sabay tawa.
(Patuloy sa paglalakad ang dalawa)
"Ano ba kasing ginawa mo? Nakipag one night stand ka na naman!"
"Oh, eh ano ngayon? Inggit ka na naman? Sasama kita next time!"
"Uy, gusto ko yan teh!" Tumatawang sagot ni Ash.
Si Ash ay ang current bestfriend ni Ish. Naging girlfriend niya si Ish. Pero hindi nagtagal ay lumantad din ang tunay niyang kasarian. Bakla si Ash. At Ashley ang pangalan niya tuwing gabi.
(Nang nakarating na sila sa canteen)
"Ate, adobo nga with rice." Nakangiting sabi ni Ish sa tindera.
"Ako rin teh." Sabi naman ni Ash.
"Eto na po." Nakangiting bigay ng tindera kay Ish at Ash.
"Thank you." Sabi ni Ish.
Pagkaharap ni Ish ay hindi niya namalayang meron palang tao sa harap niya, kung kaya natapon ang laman ng tray niya.
"Oh my God!" Gulat na sigaw ni Ish.
"Sorry miss. Ikaw naman kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Sagot ng isang 4th year student rin na si Clyde.
"Ikaw na nga tong nakatapon, ikaw pa tong presko!" Pasigaw na sagot ni Ish.
"Nag-sorry na nga eh. Ang taray mo naman."
"Bwiseeeeeeeeeeeeeeeeet!" Sabay walk-out.
"Pagpasensyahan mo na pogi." Nakagiting sabi ni Ash. "Oh eto, sayo na. Libre ko." Binigay ni Ash ang pagkain niya sabay alis para sundan si Ish.
Si Clyde ay galing sa hindi ganun kaasensong pamilya. May pagka pilyo ang binata at may pagka mahangin. Ngunit siya naman ay maaasahan at may paninindigan. Siya ay gwapo at matangkad. Maganda ang mga mata at matangos ang ilong. Isang binatang walang ginawa kundi magpasaya ng tao.
(Sa parking area)
"Oh, san ka pupunta?" Tanong ni Ash.
"Malamang uuwi na! Tignan mo itsura ko oh. Nakakainis!" Galit na sagot ni Ish.
"Bakit? Pogi naman yung naka bunggo sayo ah? Nagkatitigan nga kami eh."
"Wala akong panahon sa mga kabaklaan mo ah. Aalis na ko!" At sabay harurot sa kotse niya.
"Oy! May klase pa tayo!" Sigaw ni Ash.
-End of Chapter-
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Teen Fiction"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...