Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: A Thousand Years Instrumental)
Lumipas ang ilang araw.
Habang nagluluto si Clyde ay nanunuod naman ng TV si Ish sa sala.
(May nag doorbell)
"Ako na yaya." Sabi ni Ish sabay tayo.
(Sa labas)
"Sandali lang." Sabay bukas ng gate. "Kyler?" Lumabas si Ish. "Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi mo sinasagot ung mga tawag ko. Gusto kitang makausap ulit."
"Pwede ba? Nandito yung boyfriend ko! Umalis ka na! Baka may makakita pa sayo."
"Aalis ako kung makikipagkita ka ulit sakin."
Palingon lingon si Ish sa loob. "Oo na! Itetext na lang kita. Umalis ka na at wag ka ng tumawag sakin!"
"Sa bahay namin ah."
"Oo na nga!"
"Bye, see you!" Nakangiting sabi ni Kyler at saka umalis.
"Cai, sino yang kausap mo jan?" Sigaw ni Clyde na nasa tabi ng pinto ng bahay.
Pumasok si Ish. "Ha? Wala cai." Sabay sara ng gate at pumasok sa loob.
"Anong ginagawa mo dun?"
"Ano, ung kapitbahay natin nangangamusta lang." Sabay ngiti.
"Aah. Lika na, luto na ung pagkain."
(Sa dining room)
"Nga pala cai, may tumatawag sayo. Number lang eh. Paulit ulit kagabi. Ang ingay, sino ba yun?"
"Ha? Si ano. Si Claire. Bago na kasi number niya. Di ko pa nassave eh."
"Aah. Bakit naman tumatawag?"
"Ewan ko ba dun. Namiss na ata ako agad." Tumatawang sabi ni Ish.
"Akala ko naman kung sino. Mamaya importante yun."
"Hindi yun. Si Claire pa."
Tinitignan ni Clyde si ish dahil parang nakakakutob ito na may ginagawang iba si Ish.
(Maya maya lang)
Si Ish ay nasa kwarto nila ni Clyde at nakahiga. Samantala, nanunuod naman ng TV si Clyde sa sala.
"Bukas na tayo magkita. 4pm." Sabi ni Ish habang tinatype ang text nya.
"Okay. I miss you." Reply ni Kyler.
Napangiti si Ish. "I miss you too." Reply naman niya.
"I can't wait to see you." Reply muli ni Kyler.
Napangiti ulit si Ish. "Haaay. Bakit ba ko kinikilig." Sabi ng dalaga sa sarili.
Narinig ni Ish na paparating si Clyde kung kaya nagtulog tulugan siya.
Pagkabukas ni Clyde ng pinto. "Tulog na naman siya." Sabay ngiti.
Kinumutan ni Clyde si Ish at saka hinalikan sa ulo. "Sweetdreams sleepyhead." Sabay alis.
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Подростковая литература"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...