Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: Just The Way You Are Instrumental)
(Weekend)
(Nagising sa isang tawag si Ish)
"Ano ba Ash? Ang aga aga pa ha. 3:00 palang oh." Inis na sagot ni Ish.
"It's jogging time! Bumangon ka na ng makatikim naman ng exercise yang katawan mo." Sagot ni Ash.
"Antok pa ko."
"Ano bayan! Dali na! Leche! Pag boyfriend mo tumatawag, gora ka kaagad. Tumayo ka na!"
"Oo na. Eto na."
"Yan! Dun parin sa dati. Kitakits." Sagot ni Ash sabay baba ng phone.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga si Ish.
Pagkababa ng kotse. "Oh, kayo? Anong ginagawa niyong dalawa dito?"
"Niyaya kami ni Ash eh." Sagot ni Dylan.
Hinahanap si Ash. "Ashleeeeeeeeeeeey!!!!!" Pasigaw na sabi ni Ish.
Nagtatago sa likod ni Clyde. "Hi Ish." Kumaway sabay ngiti.
"Halika nga dito!" Sabay hatak kay Ash. "Ano na naman tong kalokohan na to?"
"Ang bitter naman neto! Tigilan mo na nga yan! Ang arte. Naiinis na ko sayo ha." Sagot ni Ash.
"Makakapatay ako ng bakla eh!" Sabay irap kay Ash.
"Magsimula na tayong mag jogging. Anong oras na oh." Sabat ni Dylan.
"Tara na Ish!" Yaya ni Ash.
"Sige na, susunod ako." Sabay upo sa sahig.
"Tara na! Dylan! Clyde!"
Umalis na si Dylan at Ash.
Si Clyde ay nagjo-jogging sa harap ni Ish ngunit hindi naman siya umaalis sa pwesto.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ish na may pagka irita.
"Nagjo-jogging." Sagot ni Clyde.
"Nagjo-jogging eh hindi ka nga umaalis sa pwesto mo."
"Pake mo ba?"
Inirapan lamang ni Ish si Clyde.
"Tara! Sundan na natin sila!"
"Mauna ka na. Di naman talaga ko nag gaganto. Madali akong mapagod eh."
"Aalalayan kita." Nakangiting sagot ni Clyde.
Inirapan si Clyde. "Whatever."
"Tayo na! Wag mo kong antaying buhatin ka jan."
"Bwisit ka talaga eh. Eto na tatayo na." Sabay tayo.
"Leggo!" Sabi ni Clyde.
(Habang nagjo-jogging)
"Eurisha, meron ka ba? Ang taray taray mo kasi sakin eh." Sabi ni Clyde.
"Para ka kasing sabon. Ang sakit mo sa mata!" Banat naman ni Ish.
"Aah ganun. Pero ikaw para kang rainbow. Kasi minsan lang kita makita pero kapag lumabas ka na, napapa-wow ako."
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Teen Fiction"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...