Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!
(Music: White Horse Instrumental)
(Sa bahay nila Clyde)
"Babe? Babe?" Bungad ni Ash.
Binuksan ang pinto. "Oh? Anong ginagawa mo dito? Pasok." Yaya ni Clyde.
(Sa loob)
"May sasabihin ako." Sabi ni Ash.
"Ano naman un?"
"Para kasing gusto ko mag outing. Summer naman eh."
"San naman?"
"Sa Batangas. May bahay kami sa may San Juan eh."
"Talaga? Diba puro beach dun?"
"Tama ka babe. Para naman makapg swimming tayo."
"Sige payag ako jan. Sino sino ba kasama?"
"Teka ito, mag gGM ako." Sabay kuha ng cellphone. "Sino gusto sumama sa San Juan Batangas? Walang gastos sa transportation and place to stay in. Libre lahat pero kailangan magdala ng pera for your own risk. Just PM me. Sending. Ayan na babe. Tignan na lang natin kung sino magrereply."
"Sana marami no? Para masaya."
"Sana nga."
(Maya maya lang)
"Oh ano, may nagreply na ba?" Tanong ni Clyde.
"Oo meron na. Si Dylan, Claire saka Ish."
"Sila lang?"
"Siguro. Wala ng nagreply eh."
"Sige okay na yan."
"Sige na babe. Dumaan lang talaga ko para mag yaya. Alis na ko, may pupuntahan pa eh."
"Sige ingat ka. Balitaan mo na lang ako ah."
"Okay bye!" Paalam ni Ash saka umalis.
Lumipas ang ilang araw at aalis na nga ang magbabarkada.
(12:10am)
"Nakaayos na ba yung mga gamit niyo?" Tanong ni Ash.
"Okay na lahat." Sagot ni Clyde.
"Oh tara na!"
Sumakay na nga ang lahat sa van. Hindi napansin ni Ash na hindi pa pala dumadating si Ish.
"Hoy! Teka lang! Ash! Manong wait lang!" Sigaw ni Ish habang bitbit niya ang mga gamit niya at hinahabol ang van. "Manong! Teka lang! May naiwan kayo! Ash!"
"Ash! Si Ish wala pa!" Sigaw ni Claire.
Pagtingin ni Ash sa likod ay nakita niya si Ish. "Manong manong, tigil mo muna!"
Napaupo na lang si Ish dahil sa pagod. "Haaay. Nakakapagod." Hingal na sabi ng dalaga.
"Ish! Ish!" Sigaw ni Ash habang tumtakbo papunta kay Ish.
"Akala ko maiiwan na ko."
"Ano ka ba naman. Dapat tumawag ka na lang. Hindi yung humabol ka pa."
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Teen Fiction"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...