Chapter 17: Back To The Homeland

586 5 0
                                    

Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!

(Music: This I Promise You Piano)

(Sa bahay nila Ish)

"Grabeee cai, ang dami kong pagod." Sabi ni Ish sabay higa sa sofa.

"Ako na yung mag aayos ng mga gamit mo."

(Nakatulog agad si Ish)

Tumingin kay Ish at saka ngumiti. "Bagsak agad."

Binuhat ni Clyde si Ish papunta sa kwarto ng dalaga para tumuloy tuloy na ang tulog nito.

Pagkatpos ayusin ni Clyde ang mga gamit nila ay agad itong nagluto ng hapunan.

(Maya maya lang)

"Oh bakit ikaw nagluto?"

"Gising ka na pala. Musta tulog ng cai ko?"

"Okay lang." Nakangiting sabi ni Ish.

"Buti naman. Dun ka na sa dining room. Malapit na to matapos eh."

"Okay." Sabay halik sa psingi ni Clyde at umalis.

(Sa dining room)

Nagkwentuhan ang dalawa.

"Ang tagal din pala natin sa America no?" Sabi ni Clyde.

"Oo nga eh. Balik na naman tayo sa mainit na lugar."

"Namimiss ko na cai yung nagba bike tayo." Tumatawang sabi ni Clyde.

"Ako din. Ang cute kaya natin nun. Lalo na nung pinasan mo ko. Piggy back ride." Sabay tawa.

Tumawa rin si Clyde. "Grabe hirap ko nun cai. Biruin mo ang bigat mo na nga, hila hila ko pa yung bike."

"Hala. Sabi mo, kaya mo eh." Tumatawang sabi ni Ish.

"Ang ginhawa ng buhay dun no? Basta parang ang layo sa problema."

"Sinabi mo pa. Mas enjoy sana dun kung hindi natin kasama si Ash."

"Grabe ka cai. Nakakatawa nga un eh." Sabay tawa.

"Joke lang. Pero ngayon, solo na natin ang isa't-isa. Wala ng maingay. "Nakangiting sabi ni Ish.

"Ikaw talaga. Kumain na nga tayo."

Maya maya lang ay nagpunta sa kwarto ang dalawa para matulog.

"Cai, ang sakit ng katawan ko." Sabi ni Clyde habang nakahiga.

Nagsasalamin si Ish. "Masahe gusto mo?"

"Sige cai. Ang sakit talaga eh."

Nilapitan ni Ish si Clyde. "Dapa ka na cai tas tanggalin mo ung shirt mo."

Dumapa si Clyde at nakaupo naman si gilid niya si Ish at minasahe ito.

"Ayun. Jan cai, sobrang sakit." Sabi ni Clyde.

"Ikaw naman kasi. Hindi ka nagpapahinga. Buhat ka ng buhat. Ayos ka ng ayos."

"Eh para sayo naman lahat yun no."

His Love VS Her Game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon