Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!)
(Music: Wonderful Tonight Instrumental)
(Nagri-ring ang phone ni Ish)
Kakamulat lang ni Ish at sinagot ang tawag ni Kyler.
"Good morning babe!" Bungad ni Kyler.
"Goodmorning din babe! Sabay ba tayong papasok ngayon?"
"Yes baby. Sunduin kita sa inyo maya maya. Mag-ayos ka na. Eat your breakfast. Okay?"
"Ikaw din babe ha. I love you!"
"I love you too babe!"
"Sige na, ibaba mo na."
"Ikaw naaaaa." Pilit ni Kyler.
"Ikaw tumawag eh. Ikaw na magbaba." Sagot naman ni Ish.
"Ikaw na baby." Patawang sabi ni Kyler.
"Sabay na lang tayo."
"One."
"Two."
"Three."
At binaba na nga nila ang kanilang mga cellphone habang nagpagulong gulong naman sa kama si Ish dahil sa sobrang kilig.
Si Kyler ay isang anak mayaman din. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya, kahit pagdating sa mga babae. Gwapo, malakas ang dating, may abs, heartthrob at crush ng bayan. Yan ang mga sinasabi ng maraming tao sakanya. Isa na siyang 4th year HS student sa school na pinag aaralan din ni Ish. Mabait siya pero minsan talaga ay maloko. Lalo na pagdating sa pag-ibig.
(Busina ng kotse)
Dali-daling lumabas ng bahay si Ish.
"Hi babe!" Isang malaking ngiti ang binungad niya kay Kyler.
Agad namang lumabas ng kotse si Kyler at pinagbuksan ng pinto si Ish. "Let's go, my princess." Sabay ngiti.
Pagkarating nila sa school ay pinagtitinginan sila ng mga tao.
"Sunduin ulit kita mamayang uwian mo ha? Wag kang uuwi mag-isa. Lagot ka sakin." Paalala ni Kyler.
"Sige babe. Aantayin kita." Nakangiting sagot ni Ish.
"Sige na, pumasok ka na sa room niyo." Sabay halik sa noo ni Ish. "I love you."
"I love you too." Nakangiting sagot ni Ish sabay pasok sa loob ng room.
"Oh, in love lang nakalimutan na ang best friend?" Bungad ni Lex.
Binatukan si Lex. "Ito naman! Kinalimutan agad? Hindi ba pwedeng hinatid lang ako? To talaga!" Sagot ni Ish.
"Joke lang! Oh ano, kamusta naman ang pagiging in a relationship?" Kinikilig na tanong ni Lex.
"Eto okay naman. Ang sarap pala sa feeling no? Parang I feel so alive! Parang sobrang kulay ng mundo ko. Ang saya saya! Feeling ko nga siya na eh."
"First day palang, siya na agad? Ang bilis mo naman palang mag conclude teh!"
"Eh bakit ba, yun yung nararamdaman ko eh! Lagi ka na lang kontrabida."
Tumatawang nagsalita si Lex. "Ano ka ba, sempre I'm happy for you. Sana nga siya na. Wag ka lang lolokohin niyan nako! Matutusta siya ng wala sa oras."
"Oo nga. Yan din ang gusto ko." Nakangiting sagot ni Ish.
Si Lexine ang maituturing na best friend ni Ish. Maganda ito at mabait. Minsan loka-loka at kalog pero kapag seryoso na ang usapan, you can count on her.
(Uwian na nila)
"Hi babe." Sabay halik sa pisngi ni Ish.
"Hi. Uuwi na ba tayo?"
Hindi umimik sa Kyler.
(Habang nasa sasakyan)
"Babe? Hindi naman ito yung daan papunta sa bahay namin ah? San tayo pupunta?" Palingon lingon na tanong ni Ish.
Hinawakan lang ni Kyler ang kamay ni Ish at ngumiti.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na nga sila sa isang park. Bago bumaba ng kotse si Ish ay piniringan muna siya ni Kyler.
"Babe? Ano bang meron?"
"Wag kang atat babe. Malalaman mo rin." Sagot ni Kyler habang tumatawa.
Nag prepare si Kyler ng isang romantic set up at nagpagawa pa ito ng tree house para lang kay Ish.
(Tinanggal ni Kyler ang piring ni Ish)
"Wow. It's beautiful." Namamanghang sabi ni Ish.
Gumawa si Kyler ng isang malalaking words gamit ang petals ng rosas at ang nakasulat dito ay: I love you, Ish."
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ni Kyler.
Niyakap ng mahigpit ni Ish si Kyler. "Oo babe. I love you too!" Nakangiting sagot ni ish.
"Halika. Dun tayo sa tree house." Yaya ni Kyler.
(Sa tree house)
"Pinagawa mo to?" Tanong ni Ish habang nililibot ang kanyang mga mata sa paligid.
"Oo. Nung nanliligaw palang ako. At ayun, buti na lang sinagot mo ko." Sabay lapit kay Ish at niyakap ito habang nakatalikod ang dalaga.
"Babe, sa tingin mo tayo na talaga?" Tanong ni Ish.
"Yun ang nakikita ko. Ikaw ba?"
"Yun ang gusto ko."
"Wag ka mag-alala, hindi kita sasaktan at lolokohin." Humarap si Kyler kay Ish at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. Tandaan mo yan ah? Forever?" Nakangiting sabi ni Kyler.
"Mahal na mahal din kita at hindi kita iiwan. Forever." Nakangiting sagot ni Ish.
-End of Chapter-
BINABASA MO ANG
His Love VS Her Game (Completed)
Teen Fiction"Seryoso akong tao noon. Pero ginago ako ng isang taong mahal na mahal ko kaya siya ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon." Ito ay ang istorya ng isang babaeng nagmahal ng totoo ngunit nabalewala ito kaya bigla siyang nagbago at siya mismo ay na...