Chapter 3: Unexpected Truth

871 6 5
                                    

Note: Play the instrumental video on the lower right part. Reading this with music is way better!

(Music: Unfaithful Instrumental)

Lumipas na ang tatlong taon. 2nd year college na sila Ish at Lexine samantalang 3rd year college na si Kyler. Maayos parin at going strong ang relasyon ng magkasintahan.

(Sa bahay nila Ish)

Kumakanta si Lex habang nag-uusap naman si Ish at Kyler.

"Babe, pasukan na bukas. Baka mawalan ka na ng time sakin."

"Pano mo naman nasabi yan?"

"Eh sempre, 3rd year ka na. Magiging busy ka na kasi you have to take it seriously na."

"Ano ka ba, sempre hindi kita papabayaan. Ikaw pa ba? Ikaw nga pinaka importante sakin eh."

(Biglang bumirit si Lex)

"Lex!!? Ano ba!? Nag-uusap kaya kami dito." Pasigaw na sabi ni Ish.

"Ayy? Ano gusto mo walang boses? Videoke nga diba? Baka kumakanta ako?"

"Wag mo ng ibirit, kasi di mo naman kaya."

"Hindi ko kayo pinapake-elaman jan ha. Hindi niyo ba alam na nasasaktan ako?"

"Huh?" Kunot noong tanong ni Ish.

"Nasasaktan ako kasi wala akong jowa!" Tumatawang sagot ni Lex.

"IKaw talaga. Sige na kumanta ka na jan." Sabay yakap kay Kyler. "Promise mo sakin na hindi ka maghahanap ng iba?"

Tinaas ang kanyang kanang kamay. "I promise not to love someone else." Nakangiting sagot ni Kyler.

Napangiti na lang at sabay halik sa pisngi ni Kyler.

Nagsimula na nga ang pasukan nila. After ng ilang months ay maraming nagbago. Lalong lalo na sa relasyon nila Kyler at Ish.

(Kinagabihan)

Tinitignan ni Ish ang cellphone niya.

"Haaaay. Bakit hindi na naman siya nagtetext. Hindi rin tumatawag. Mag iilang araw na to ah." Sabay buntong hininga.

Hindi na nakatiis si Ish at tinawagan niya uli si Kyler.

"Please answer the phone." Malungkot na sabi ni ish.

(Walang sumasagot)

"Bakit lagi na lang walang sumasagot?" Sabay balibag ng cp niya sa kama. "Haaaay! Nakakabaliw."

Samantalaa, sa bahay nila Kyler. 

"Teka nga. Tawag ng tawag sakin si Ish. Papatayin ko muna phone ko." Sabay tayo mula sa kamang hinihigaan niya kasama ang isang babae.

(Tinanggal ni Kyler ang sim niya)

"Yan. Wala ng istorbo." Sabay ngiti at halik sa babaeng kasama niya.

Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Ish upang puntahan si Kyler. Dumaan muna ito sa mall upang bumili ng CD at pizza dahil ito ang paborito nilang gawin kapag magkasama sila.

His Love VS Her Game (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon