Chapter 1

8.6K 179 20
                                    


AUTHOR'S NOTE: Please follow me before you read this para mabasa mo po full chapters! Thank you and enjoy reading! 😘 Pag di po mag follow tiyak mabibitin po kayo 😘         

...    

May malaking malaking mansion na nakatayo sa isang mataas na bundok na malayo sa kabihasnan, pag aari ito ni Don Pablo Delfonozo, isang Oil Tycoon multi dollar Billionaire.

Papalapag ang helicopter sa mansion kasama ng kanyang asawang si Donya Matilda.

Habang lumalapag ang helicopter ay naka antabay ang kanilang mga katiwala sa labas ng malaking mansion, para salubungin ang kanilang pagdating.

"Nandyan na sila Don Pablo at Donya Matilda!" Sabi ng Mayordomang si Lorena sa mga kapwa nya katiwala habang nakatingala sa papalapag na helicopter.

Nakatingin naman ang mag asawa sa ibaba at kanilang natatanaw ang mga puno at halamanan na nakapaligid sa kanilang malaking mansion. At kanilang nakikita ang mga katiwala na nag-aabang at kumakaway sa kanilang pagdating.

At nang nakalapag na ang helicopter ay inalalayan ng mga lalaking katiwala ang kanilang pagbaba.

"Maligayang pagdating Don Pablo, Donya Matilda!" masiglang wika ng mga katiwala.

Bahagyang nakangiti lamang ang mag asawa sa kanila, na mukhang nag karoon ng argumento nung sila ay nakasakay pa lang ng helicopter.

Pinagtulungan ng mga katiwala na bitbitin ang kanilang mga dala mula sa helicopter.

Pagpasok ng malaking mansion ay nagmadaling umakyat si Donya Matilda sa grand staircase.Sabik na syang makita ang kanyang kambal na binata na lalaki.

At una nitong pinasok ang silid ng isa sa kambal na si Benedict.

Binuksan nito ang pinto at nakita ang kanyang anak na nakatalikod na nakaupo sa reclyner chair at nanonood ng isang comedy show gamit ang isang CD. Walang internet, cable, at signal sa bundok na iyon, kaya mga hindi live ang kanilang napapanood. 

"Benedict anak nandito na ako!" sabik na sabi ni Matilda, ngunit di niya malapitan ito kaagad dahil mailap ito at alam nyang may tampo ito sa kanya.

Hindi siya nililingon ni Benedict at patuloy pa din ito sa panonood.

"Anak, hindi mo man lang ba ako na mimiss?" nagtatampong sabi ni Matilda.

Ngunit di sya kinikibo nito at panay ang tawa nito sa kanyang pinapanood.

Naupo sa kanyang tabi si Matilda at naghintay ng tyempo na tingnan sya ni Benedict, ngunit parang wala itong nakikita dahil di sya nito pinapansin.

"Benedict! Nandito ako!" Singhal na sabi ni Matilda at doon sya tiningnan ni Benedict.

"Nandito ka pala, bakit naisipan mo pa pumunta dito?"

"Anak na mimiss na kita kaya kami nandito ng papa mo?"

"Hanggang kelan kayo dito? Bukas? sa kamakalawa?"

"Anak medyo magtatagal ako dito."

"Medyo?kelan isang linggo! Tama, isang Linggo nga pala ang pinaka matagal na inilagi ninyo dito ng papa, at iiwan nyo kami ulit at babalik kayo ng matagal na matagal!"

"Anak, sana nauunawaan mo na may mga ginagawa kami ng iyong papa at hindi kami maaaring magtagal dito," malumanay na sabi ni Matilda.

"Bakit kailangan n'yo pa pumunta dito? Doon na lang kayo sa magandang mundo n'yo, nasanay na kami ni Dominic na wala kayo!" pagalit na sabi ni Benedict at tumayo ito at nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot na parang bata.

Nilapitan siya ng kanyang ina.

"Anak, huwag ka ng magtampo." At niyakap nya ito habang nakatalukbong ng kumot.

Kakaiba ang itsura ng kambal, mga kalbo ito at mas malaki ang kanilang ulo kesa sa karaniwang mga tao, kirat ang kaliwang mata at halos di makita ang ilong sa sobrang liit nito at makakapal ang kanilang mga labi at naka angat ang malalaking ngipin, maikli ang kanilang

kaliwang kamay at walang daliri, at ang kaliwang paa ay maikli din at walang daliri, ngunit normal ang kanang kamay at binti, ngunit maliliit sila na kasing liit ng unano.

Pinatingin na sila sa mga dalubhasang doktor ngunit wala pa ding nakakapagsabi kung bakit naging ganoon ang kanilang anyo nung sila ay pinanganak ni Matilda.Ang tanging sabi ng mga doktor ay baka raw natapat sa radiation si Matilda nung sya ay nagdadalangtao.

Wala ng magawa ang mag asawa sa kinahinatnan ng kambal ng sila ay iniluwal ni Matilda. At dahil sa kakaibang itsura ng kambal ay nagpatayo ng malaking mansion si Don Pablo sa isang mataas na bundok at binakuran niya ito.Kumpleto ito ng mga gamit at nandoon lahat ng pangangailangan ng kambal.Ngunit habang lumalaki ang kambal ay namumulat na sila sa katotohanan, marami na silang mga tanong ngunit di kayang sagutin ng kanilang mga magulang.Nagpapadala ng mga guro si Don Pablo upang matuto magbasa at magsulat ang kambal. Habang nakayakap si Donya Matilda kay Benedict ay pumasok naman ng silid si Don Pablo. "Ano na namang drama ito?" bungad ni Don Pablo.

"Sinabi ko na kasi sayo na dapat nung isang buwan pa tayo nagpunta dito, hinihintay na nila tayo!"

"Tama na yang ganyan Benedict! Ginagawa namin to para sa inyo! Ano pa ang gusto ninyo, nasa sa inyo na lahat!" Sabi ni Don Pablo,

Inalis ni Benedict ang pagkakatalukbong ng kumot at hinarap ang kanyang ama.

"Para sa amin? Ano ang sinasabi ninyo? Bakit nyo kami pinapabayaan dito? Bakit ninyo pinag kakait ang mundo sa amin?"

"Benedict, alalahanin mo na_______."

"Dahil sa anyo namin? Kasalanan ba namin maging ganito kami?"

"Matagal ko ng sinasabi sa inyo na mapanghusga ang mga tao, ayokong maranasan ninyo 'yon!"

"Wala akong pakielam sa mga tao Papa, gusto kong umalis dito!"

"Sa ayaw at sa gusto mo hanggang dito na lamang kayo ni Dominic.At 'yan ang aking kagustuhan at wala na kayong magagawa!" singhal ni Don Pablo at lumabas na ito ng silid.

Sa sobrang sama ng loob ay napayakap ito sa kanyang ina.

"Huwag ka ng mag alala anak, nangangako ako na magtatagal ako dito at lagi ko na kayong dadalawin,"

Pinuntahan naman ni Matilda ang isa pa nyang anak na si Dominic.

Pagpasok nya ng pinto ay nakita nyang nagbabasa ito ng libro.

At ng sya ay nakita ay sabik itong lumapit sa kanya at sya ay niyakap, iba ang pananaw ni Dominic sa kapatid nyang si Benedict, kuntento si Dominic na doon na lang habambuhay dahil tanggap nito ang kanyang kapalaran.Di nya kayang may makakita sa kanya na ibang tao maliban sa mga katiwala na kasama na nila hanggang sa kanilang paglaki.

Author's note
Please follow me if you want to read the whole chapter.
Thank you!😊

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon