(ROSÈ)
Vienna, Austria (A Year After)
Matapos makuha ang mga luggage at dumaan sa customs ay kaagad na akong pumunta sa Revel area ng Vienna International Airport para hanapin sa susundo sa akin. Gusto ko na talagang magpahinga dahil sa sobrang pagod na dulot ng mahigit 16 oras na flight... kasama na doon ang lay over sa Bangkok.
"Chaeng, right here!"
Kaagad naman akong pumunta sa direksyon ng tumawag sa akin at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Wow, she's way more beautiful than before and though her scent seemed different, ang bango bango parin niya. Nakuha tuloy ang pagod ko.
"I missed you," she whispered.
"Me too."
"Oh, mamaya na ang drama... Akin na iyang isa mong maleta and let's look for a cab."
Umabot ng mahigit 20 minuto ang naging biyahe namin mula sa airport hanggang sa Pilgramgasse, ang lugar kung saan nakatira ang kasama ko. Habang nasa daan ay hindi ko mapigilan na mamangha sa kakaibang istraktura ng mga buildings, restaurants, coffee shops at iba pa.
Pagbaba ng cab ay naramdaman ko ang ginaw. Bagaman July ngayon at nasa highest peak ang temperatura na umaabot sa 19 degrees Celsius, sobrang lamig parin nito kung ikukompara mo sa Pilipinas.
"Come in, Chaengi."
"Thank you so much for accommodating me, Jen."
"Ikaw pa ba?"
Jen's apartment is not really huge but it can accommodate four to five people. The interior is a mixture of classic and modern European design. Honestly though, her space looks like it's owned by some rich Western kid. It's neat and well-maintained too! Thanks to her grandparents who are taking care of her monthly fee worth more than €4,000.
"Alam ba niyang darating ako?" Tanong ko habang nilalagay namin ang mga gamit ko sa spare room niya. Pagpasok pa lang, kilalang kilala ko na ang amoy ng kuwarto...
"Of course not. If she's aware of your arrival, I'm dead sure that she'll go back to London right away... You know that kid, still hard-headed despite the huge change in her attitude," she replied.
Damn, this woman's British accent is can really affect everyone.
Naalala ko pa noong High School, napapatahimik ang mga kaklase naming tuwing magsasalita siya with thick accent sa gitna ng klase. In fact, ngayon nga ay medyo natigilan ako habang nagsasalita siya.
"I'm sorry. Nasanay lang talaga ako."
"I don't mind."
Jen and I talked about her life here in Vienna. To be honest, I do not know much about her lately except for the fact that she's studying filmmaking in The Filmacademy, one of the leading film schools not only in Austria but in the whole world as well. (I chose not to care too much about her whereabouts so that I could move on from her.)
According to her, binubuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral. Masyado kasing mataas ang standard ng school. In fact, isa sa mga guro niya ay ang Oscar and Cannes Film Festival awardee na si Michael Haneke.
Tumatanggap rin siya ng mga write-ups and other part-time jobs, mostly film related kapag may spare time siya para mas mahone ang kanyang skills. Nabanggit nga niya na kakatapos lang nilang mag-shoot ng isang documentary film at isa siya sa mga screen writer.
"Ako naman ngayon ang magtatanong... Why did it take you a year to run after her? Ano ba talaga ang nangyari?..."
Flashback (A Year Ago)
YOU ARE READING
Devoid
Romance"So she asked me if I've already moved on from her. I told her that yes, I did... I have to. And I saw how anguish flickered from her eyes followed by uninterrupted tears which I eventually wiped before I could explain the things about her that I ha...