Do You Love Me Enough?

3.8K 63 12
                                    

Pat's POV

"Uy, good to see you here! You're wearing maroon ha. Playing safe."

Pabirong sabi ni Sean. Ngumiti lang ako ng tipid. Nagkita kami dito sa may Starbucks. Kasama ni Sean si Dawn. Si Kuya Sheed yung kasama ko kasi sila Ricci nasa locker room na. It's our school versus Ricci's.

"Kamusta, Pat? We haven't talked since... I saw you with him."

Dahan-dahan akong tumango.

"Is he treating you well? Baka mamaya he's just using you."

Dawn smirked and high-fived Sean. Nagkatinginan kami ni Rasheed. Lumingon siya kay Dawn at sinagot niya to.

"Of course my brother's treating Pat well. Bakit naman hindi?"

"Easy bro, just asking. Ako nga pala yung magbabantay sa brother mo. So, good luck na lang sa kanya at mag-iingat siya."

I was a little bit shocked and upset kasi hindi ko inexpect yung gantong character kay Dawn.

Nginitian siya ni Rasheed.

"We'll see."

Nagkatinginan kami ni Sean and he smiled weakly at me. Buti na lang the barista called for my name kung hindi baka kung ano pa ang nangyari sa dalawang nagsasagutan. Hinila ko na si kuya Sheed papunta sa claiming area. Bigla niya akong inakbayan at bumulong.

"Ang yabang naman ng manliligaw mo dati."

"Hindi nanligaw si Dawn sakin. We're just blockmates."

"Really? Pero kung makaasta naman siya sakin at kay Ricci, parang may past kayo. Sobrang bitter ng dating dun sa question niya na if Ricci's treating you well."

"Wag na lang natin pansinin yun."

"If Ricci would know what happened here, lagot si Ochea mamaya sa laro, for sure."

"Siguro mas okay kung hindi muna natin sabihin yung nangyari, kuya. Baka kasi maka-apekto pa sa laro ni Ricci. Alam mo naman yun."

"I'll just warn him or something. Baka kung anong gawin niyan kay Cci eh."

"I'll be the one to tell him kuya. Samahan mo na lang ako."

"Sige."

"Can I have a goodluck kiss?"

Napangiti ako at kiniss si Ricci sa lips.

"Sana may kumikiss din sakin. Haaaay."

"Kami na lang ni Aljun kikiss sayo, Drei! Lapit ka dito!"

"Kung kayo lang din, wag na lang!"

Hinawakan ni Kib at Aljun si Andrei. Nakisali din yung buong team except kay Ricci sa paghawak kay Andrei. Tapos isa isa nila ito kiniss sa cheeks. Kawawang Andrei hahaha.

"Babe, be careful please? Wag kang magpapa-injure. I don't like you getting hurt."

"Of course love. Pano yan? Kanino ka kakampi? It's us against your school."

"Of course I'll be cheering for the both of you. Basta please take care and... be mindful of Dawn please."

Kumunot yung noo niya.

"What do you mean?"

Si Rasheed na ang sumagot sa kanya.

"Nakasabay namin siya kanina sa sb bro. Mainit ata dugo nun sayo. He told me na siya daw ang mag-babantay sayo at mag-ingat ka daw."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon