Pat's POV
"Grabe girl ang hirap nung exam kanina! Bagsak nanaman ako dun panigurado."
Naglalakad na kami nila Andi sa walkway. We were off to James' condo sa Taft para dun na mag-review for our remaining exams.
"Ako nga rin nahirapan dun! Kailangan ko pa namang pumasa ngayong finals kasi singko na ko nung prelims at midterms. Masaya na ko kahit tres lang basta makapasa."
"Ano ba kayo guys, pray lang pasado tayong lahat."
"Buti ka pa Pat, sure pass ka na. Ikaw na matalino, ikaw na may gwapong manliligaw, ikaw na blooming! Pak, girl! Pa-share naman ng blessings!"
"Pano ba namang hindi magiging blooming yan, James? Mukhang nadiligan ata kagabi eh! May ebidensya sa leeg oh!!"
"Huh? Anong ebidensya?"
Agad kong tinakpan ang leeg ko nung lumapit si James pero it was too late.
"Oh my gosh bakla! Binigay mo na kay Ricci?!"
"Mga gaga hindi ah!!!"
"Eh ano yang nakita ko? Huwag mong sabihing kagat ng lamok yan or allergy kasi itutulak talaga kita diyan sa Taft habang green yung traffic light."
"Promise, hindi. Masyado rin kayong advance mag-isip eh 'no? Ganit kasi yung nangyari."
Sinimulan ko yung kwento ko nung week bago mag-birthday ko hanggang sa kagabi.
"Grabe iba talaga si Fafa Ricci!!! Pasabunot nga girl isa lang, inggit ako eh."
Natawa ako sa sinabi ni James. Tumawid na kami sa may UN at sumakay ng jeep papuntang Vito Cruz. Pagka-sakay namin, nag-text ako kay Ricci na papunta ako sa condo ni Philip at magkita na lang kami somewhere pagkatapos namin mag-review. Nag-reply naman siya agad ng okay.
—
"Wait lang break muna tayo kahit 15 minutes lang, hindi na kaya ng utak ko i-absorb lahat ng 'to."
Sinarado namin yung mga libro namin at umupo ng maayos sa couch. Kinalabit ako ni James tapos nagsalita siya.
"Alam mo ba na may mga bashers ka na sa Adamson? Kanina napadaan ako sa classrooms ng SHS. May mga girls na mga fans ata ni Ricci na pinagchi-chismisan ka."
"Talaga? Anong sabi??"
"Hindi daw kayo bagay ni Ricci. Pano daw nagka-gusto sayo si Ricci eh ang layo daw ng itsura mo sa mga exes at crushes ni Ricci."
"Hay nako friend, inggit lang yang mga yan sayo kaya deadmahin mo na lang. Tsaka isa pa andito naman kami ni James if ever may mang-away sayo sa school."
"Wala naman talaga akong balak patulan yung mga yun, Andi. Bahala sila sa kung anong gusto nilang isipin."
"Pero girl maiba ako, ano talaga nangyari kagabi?"
"Promise wala talaga. It's just bevause of that stupid dare."
"Ito girl advice lang, huwag na huwag mong ibibigay hangga't hindi pa kayo at wala ka pang pinanghahawakan."
"Parang mali naman ata yung advice mo Andi. Hindi ba dapat wag ko ibibigay hanggat hindi kasal?"
"Gaga!! HAHAHA. Sa tingin mo sa yummy ng future boyfriend mo matiis mo? Eh ikaw na nga nagsabi na magaling humalik eh! Ewan ko sayo kung mapigilan mo pa! Tsaka ano ka ba, it's 2017! Basta don't forget to use protection!"
"Ewan ko sa inyong dalawa! Magreview na nga tayo!!"
—
While waiting for Ricci to arrive dito sa Dunkin' Donuts, nagbasa na lang muna ako ng reviewer ko. Nagtext siya sakin kanina na palabas na sila ng Razon so malapit na rin sigurado yun.
BINABASA MO ANG
[EDITING] Who Would Have Thought?
Fiksi PenggemarBecause of watching one game, my life completely changed. And I love how it turned out. A RICCI RIVERO FANFICTION - Hi guys! As of July 31, 2018, I will be revising and editing the chapters of this story kaya kung mapapansin niyo, as of now iba pa...