Chienna's POV
"Table for 7 please."
We decided to eat in a Japanese restaurant near Macapagal road. Ako ang nakaupo sa pinakadulo kaya wala akong katabi sa right side ko. Next to me was James then Prince. Sa tapat ko si Ricci, next to him was Brent then Rasheed, then Tito Paolo.
So paano ako makakakain ng maayos nito kung may gwapo sa tapat ko?
I took secret glances on Ricci habang nagbabasa siya ng menu. Pinag-masdan ko yung mata niyang pag tumingin sayo, parang natutunaw ka na sa sobrang intense, tapos yung matangos niyang ilong at yung thick lips niya. Hay, parang wala talagang mali sa mukha niya. Each part compliments the other.
He suddenly looked up kaya napa-iwas agad ako ng tingin at nag-kunwaring nagbabasa ng menu.
Shit, that was so close!
Nag-tawag na si tito Paolo ng waiter nung nakapag-decide na kami ng orders namin. Pag-alis ng waiter, nag-usap ang mga boys about sa game nila kanina. They also included us in the conversation, asking for our opinions on their performance.
"How about you, Chienna? May mga kailangan pa talagang ma-improve ang team 'no?"
Lahat sila ay nakatingin sakin kaya dahan-dahan akong tumango.
"There will always be room for improvement naman talaga. Tsaka isa pa, ilang games pa lang naman eh. I know you guys will do better habang tumatagal."
Ricci smirked.
"I think you attended the wrong school. Dapat ata sa DLSU ka nag-enroll eh."
Kumunot ang noo ko.
"Why naman?"
"It's obvious naman na you're supporting our team talaga."
Sumagot si James kay Ricci.
"Hay nako, tama ka diyan Ricci. Ever since rookie days ni Jeron, DLSU na talaga team niyan."
"Really? Ang tagal na rin pala."
"Excuse me po."
May waitress na dumating dala ang pagkain namin. She was literally staring at Ricci habang sineserve niya yung pagkain. Itong isa naman, hindi ata napapansin na nagpapa-cute si ate sa kanya.
Kinalabit ako ni James kaya lumingon ako sa kanya.
"Bakla, pano ka pala uuwi?"
"I'll just book a ride. Hindi naman siguro mahirap mag-book ngayon kasi alanganing oras na rin."
Prince suddenly spoke.
"No. Kami ang nag-invite sayo for dinner kaya ihahatid ka namin ni Ricci sa bahay niyo. Saan ka ba umuuwi?"
"South pa."
"Near Alabang? Don't worry, ihahatid ka na namin. Ikaw, James?"
"Sa Manila Residences ako umuuwi."
Nagsalita si Ricci.
"Hatid muna natin si Dad at Sheed sa bahay tapos si James, then si Chienna?"
"Di ba dapat si Chienna muna, bro? Tutal, malapit naman siya dito?"
"Ah kasi para...roadtrip?"
Tumawa si Brent.
"Galing talaga gumawa ng paraan ni Ricci. Oo nga naman para makasama pa niya ng matagal."
He shrugged his shoulders.
"Okay lang naman na last ka, 'di ba Chienna?"
"O-oo naman."
BINABASA MO ANG
[EDITING] Who Would Have Thought?
FanfictieBecause of watching one game, my life completely changed. And I love how it turned out. A RICCI RIVERO FANFICTION - Hi guys! As of July 31, 2018, I will be revising and editing the chapters of this story kaya kung mapapansin niyo, as of now iba pa...