All The Sacrifices and Decisions I Made.

2.8K 76 149
                                    

Patrice's POV

Nakatulog akong umiiyak. Kung dati, kamay ni Ricci sa bewang ko at yung katawan niyang nakayakap ang mararamdaman ko sa tuwing gigising ako, ngayong umaga, kumot na lang ang nakabalot sakin. Pakiramdam ko, ang lamig lamig ng kwarto ko. Mabilis na tumulo nanaman ang mga luha mula sa mga mata ko.

Pano kaya?

Pano kaya kung naging matapang ako at sinabi ko na lang sa kanya ang totoo? Ganito parin kaya ang nararamdaman ko? Siguro nga hindi ako iiwan ni Ricci dahil lang kay baby pero magiging mahirap hindi lang para sakin kundi para sa kanya ang maging malaya sa paggalaw araw-araw. Alam kong gagawin ni Ricci lahat para protektahan kami, at pag ginawa niya yun, pwedeng siya naman ang mawala. At hindi ko kakayanin kung ganun ang mangyayari. Kung sa pag-alis ko, magiging ligtas hindi lang kami ni baby pero pati na rin si Ricci, mas pipiliin ko yun.

Mas pipiliin ko na ako na lang muna ang lalayo.

I got up and fixed the things I'll be bringing when I leave. Pagkatapos kong ayusin ito, kumain na ako ng breakfast at naligo. Hindi na ko nag-abala pang maglagay ng make-up kasi sobrang namamaga rin naman ang mata ko. Grabe rin ang dark circles sa ilalim nito.

Nagdrive ako pauwi ng bahay. Hindi mawala sa utak ko yung itsura at pagmamakaawa niya sakin kagabi. God knows how hard I tried to resist him. Sobrang hirap at sobrang sakit na makita siyang ganun. But I have no choice.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni mommy.

"Anong nangyari? Bakit ganyan ang mata mo?"

"M-mommy."

I instantly broke down when she hugged me.

"Shhh..."

Hinagod niya ang likod ko at ako naman patuloy lang sa pag-iyak. She guided me towards the couch at pinaupo ako dun.

"Hinga ka muna anak. Shh.."

Unti unti ako tumahan and composed myself. Tumayo si mommy at kumuha ng tubig tapos pinainom sakin.

Binaba ko ang baso sa center table.

"Do you want to talk about it now?"

Dahan dahan akong tumango.

"R-ricci and I broke up mom."

"Bakit?! Anong nangyari?"

"I broke up with him mom. Ako ang nakipaghiwalay. Ayoko po muna sanang ikwento sa kahit kanino kung bakit. I hope you understand mommy."

"I respect your decision. Ano? Gusto mo ba munang dito magstay? Ipapalinis ko ba ang kwarto mo, anak?"

"About that mom... Gusto ko po munang umalis."

"Huh? Gusto mo muna magbakasyon? Saan? Sa bahay natin sa Tarlac?"

"I am planning to stay in Singapore mommy... with my friends. Three years po."

"What? Anak bakit biglaan naman ang desisyon mo? Does this has something to do with you breaking up with Ricci?"

"O-opo mom. I really want to go and get a job there."

"Pero maganda naman ang takbo ng business mo dito? Bakit kailangan mo pang magpakahirap dun? Tsaka anak, isang taon na lang, gagraduate ka na."

"I just... want to explore the world mom. Pwede ko naman pong ituloy ang isang taon na yun pagbalik ko. Malelate nga lang ako. Babalik din naman po ako mommy. I'll shoulder everything there tsaka I'm with two of my friends din naman. Please mom, I really need this. I need this escape. Please let me."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon