Patrice's POV
"Kamusta ka na Pat?"
"Cut the bullshit Sophia. Ano bang sasabihin mo? Diretsuhin mo na ko at wag mong sayangin ang oras ko."
"Hey hey easy girl hahaha. That can wait. Pasalamat ka nga, I am delaying the pain you'll feel later eh. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit umalis ako ng Adamson?"
"Wala akong pakealam kung umalis ka o hindi. Kung patatagalin mo lang din naman, aalis na ko."
"You wouldn't want to miss my information about your not so serious boyfriend. Since nagmamadali ka rin lang naman, sige."
Kinuha niya ang isang envelope sa bag niya at inabot ito sakin.
"Buksan mo."
I opened the envelope at nilabas ang mga nakita kong pictures sa loob. Isa isa ko itong tinignan. Si Ricci yung mga nasa litrato. Nasa isang restaurant siya at may ka-table na babae. Nakatalikod yung girl kaya hindi ko alam kung sino ito. I scanned through the pictures. Merong picture na nakangiti si Ricci dun sa babae. Yung last 4 pictures, kita na yung mukha nung babae sa shots. May isang picture na nakangiti si Ricci habang hawak ang kamay nung babae.
Unti-unting nanikip yung dibdib ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng paghinga ko. My heart was once again shattered into a million pieces. And just like the first time, the same people in the picture Philip showed me who were kissing way back, was the same two people in the picture I'm holding now.
Ricci and Angelica.
"Ang sweet nila don't you think? Tignan mo naman ang ngiti ng boyfriend mo dyan. Oh ayan ah, pinalagyan ko rin ng date yung pictures para malaman mo na recently lang yan."
Hindi maalis ang tingin ko sa mga litrato sa harap ko. January 15, 2018 — 10:24 am. Nung isang araw lang. Ito yung araw ng uwi ko galing Tarlac.
"Kaya pa? Wait, there's more. For the grand finale, panoorin mo to."
Inabot niya sakin ang isang cellphone kung saan my video. Si Ricci at si Brent ang nasa video. Nakaupo sila sa dining area sa dorm. Sinuot ko sa magkabilang tenga ko yung earphones at pinlay ang video. Nagtatawanan at naguusap yung dalawa.
"Tangina mo Brent ah! Pag napasagot ko siya sa loob ng isang buwan, ano gagawin mo?"
"Gusto mo pustahan? Sige game. Pag napasagot mo si Pat sa loob ng isang buwan, sagot ko drinks mo everytime magha-happy T tayo. Tas 5 pairs of shoes."
"Sige ba. Papasagutin lang pala eh! Pustahan pa tayo, 3 months lang break na kami. HAHAHA."
"Gago! Hahaha!!"
"Seryoso 3 months lang! Parang di mo naman ako kilala Brenty."
"Oo, si Ricci na mabilis manawa sa babae. Sige 3 months."
"Sige! Pag nanalo ako sa pustahan, yung drinks at 5 pairs of shoes ko ah!"
"Oo ba! Pag nanalo ako, ikaw ang manlilibre sakin. Deal?"
"Deal!"
Nag-end na yung video. Tinanggal ko yung earphones ko. I wanted to cry sa mga narinig ko pero parang wala pa ako sa stage na yun. Wala akong maramdaman.
"Isang pustahan. Pinagpustahan ka lang pala. Kawawa ka naman."
"San mo nakuha yung video at yung pictures?"
"That's for me to know honey. You should thank me pa nga eh. At least di ba, bago kayo mag 3 months, nalaman mo na."
She smirked at me.
BINABASA MO ANG
[EDITING] Who Would Have Thought?
FanfictionBecause of watching one game, my life completely changed. And I love how it turned out. A RICCI RIVERO FANFICTION - Hi guys! As of July 31, 2018, I will be revising and editing the chapters of this story kaya kung mapapansin niyo, as of now iba pa...