I Know Nothing About Her.

2.1K 64 42
                                    

Patrice's POV

A few days have passed. Kakatapos lang ng final exams namin. Tinry kong magfocus sa pagrereview nung mga nakaraang araw. Feeling ko nakikisama si baby kahit hindi pa naman talaga siya matatawag na baby kasi sobrang liit pa lang niya but still hahaha. Hindi kasi ako nahilo or inantok man lang habang nagrereview.

"Tara celebrate tayo!!! Puta 4th year na tayo!!!! Graduating na sa wakas!! Happy T, anyone??"

Pag-aaya ni Philip. As much as I want to join them, alam kong hindi pwede dahil pag sumama ako, pipilitin nila kong uminom. And that's not allowed because of the baby of course.

"Hello? Earth to Patrice? Nasa galaxy nanaman siya."

I snapped out of my thoughts and answered Philip.

"Sorry I can't. Kailangan kong asikasuhin ang shipment for tomorrow remember? Kayo na lang. Babawi ako, I promise."

"Promise mo yan Pat ha? Oh see you na next year?"

Nginitian ako ni Philip. Hanggang ngayong Wednesday na lang kasi ang pasok namin dahil tapos na ang finals. Kung nasa block section ka and complete mo na rin naman ang requirements niyo, hindi mo na kailangang bumalik sa school for completion.

See you Philip...... after 3 years.

"Guys?"

Lumingon sila ng sabay sabay sakin.

"Pwede payakap?"

Lumapit ako kela Philip, Andrea, Lenny, Shein, Shaina, Angelyn, Mark, Bryan, Ambo, Eddie, at Amiel at niyakap sila. Grabe I'll miss them for sure.

"Hoy bakla! Anong namgyayari sayo? Kung makayakap naman to akala mo, hindi na magkikita ulit hahaha."

Tumawa na lang din ako,

Pagdating ko sa condo, umupo ako sa sofa at nag-isip. Pinag-iisipan ako kung tama ba ang mga balak kong gawin. Dahil dito, tumulo nanaman ang mga luha ko. Wala na kasi akong ibang maisip na solusyon para hindi malaman ni Ricci and nila mommy kundi yun lang.

I have no choice but to fly out of the country. Pero I'll do it kapag nagkakaron na ng pagbabago sa tiyan ko. Tatapusin ko muna yung OJT ko tutal two weeks lang naman yun. Tapos yung next two weeks ay ilalaan ko para kay Ricci, sa family niya, and sa family ko. I'll miss them so so much when I leave. Hindi naman siguro agad lolobo ang tyan ko if I'm two months pregnant. I can always wear Ricci's shirt para hindi mahalata. Susulitin ko na rin sa loob ng isang buwan na yun ang makasama si Ricci. Kaya ko naman siguro. Kaya ko siguro na itaguyod to ng mag-isa for now.

Tumayo na ko sa couch, nagpalit ng damit, nagtanggal ng make-up at naghilamos. Magluluto ako ng dinner. Siguro yun na yung gagawin ko for Ricci for the next one month. Pagsisilbihan ko na lang siya. Gagawin ko na lahat ng bagay na gusto kong gawin kasama siya.

Gagawin ko na lahat bago ko muna siya iwan.

I got the liempo out of the chiller. Binaba ko na kasi ito kanina bago ako pumasok kaya hindi na siya frozen. Minarinate ko ito tapos binalik sa loob ng ref. Dahil 3 pa lang ng hapon, nagdecide ako na mag-bake muna ng red velvet cupcakes.

Pagkatapos kong magbake, pinalamig ko muna yung cupcakes tapos ginawa ko yung cream cheese frosting. Sa totoo lang, baking relaxes and calms me. Sobrang nae-enjoy ko ang pagbebake. Lalo na pag nakita ko na yung finished product.

Pagkalagay ko nung frosting sa cupcakes, nilagay ko muna to sa ref.

Nilabas ko na yung liempo sa ref and started to grill it. Habang nasa grill siya, nagsaing na ko. Dahil bigla kong gusto kumain ng itlog na maalat, kinuha ko yung dala ni mommy galing Tarlac at hiniwa ito tapos pinigaan ko ng calamansi.

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon