Patrice's POV
"That's the last bag, anak."
"Thanks mom, thanks dad."
Ngayong araw ako naglipat ng mga damit at gamit sa condo unit ko. Kaso hindi rin nila ako matutulungan dahil they both have jobs to prioritize. I completely understand naman. Buti na lang pumayag si Philip na tulungan ako.
"We'll go ahead na ha? Babalik kami mamayang gabi okay? We'll have dinner here."
"Okay mommy. Thanks. Bye dad."
"Ingat ka dito ha? Tsaka yung kotse mo nakapark na dun sa parking sa 5th floor. Iniwan ko yung susi dito sa table mo sa dining area."
"Okay. Take care."
Hinatid ko na sila sa may pinto. Now I am all alone. Dahil mamaya pa kaming 11:30 magkikita ni Philip sa SM Manila, I unpacked my clothes and personal stuff. Nilagay ko yung mga damit sa cabinet sa loob ng kwarto. I took notes kung ano pa yung kailangan kong bilhin na wala sa unit ko. I need to buy a small study table and chair for the room. I don't have a vanity table here at kung maglalagay naman ako, wala ng gagalawan sa kwarto ko. So I decided na sa study table na lang din ako magmemake-up. I went to the bathroom and all of my usual bathroom needs there. Toothbrush, toothpaste, shampoo, conditioner, body wash, facial wash, and so on.
11 am, nagbook na ko ng uber. I know how to drive na kaya lang, hindi ko pa naasikaso yung pagkuha ng lisensya. Tinext ko so Philip na papunta na ko. Sabi niya, papunta na rin siya and meron daw siyang kasama. Nung 5 minutes aways na yung uber ko, bumaba na ko.
—
"Brent?"
"Friend kasi sinama ko na si Brent. Magkasama kasi kami kanina eh. And he wants to talk to you daw."
"Ahhh sige."
Hindi na ko galit guys. Tapos na ko dun. Napatawad ko na din naman sila ni Ricci. Awkward nga lang ako kay Brent. Kay Ricci naman, syempre hindi pa din naman namin napag-uusapan lahat lahat kaya distant pa ko. Dadating din tayo dyan. After ko tapusin yung mga dapat kong tapusin dito sa condo, we will talk. I just hope, game siya. After kasi nung photoshoot sa Batangas nung Sunday, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na rin nagtext or tumawag. Friday na ngayon, mag-iisang linggo na din yung nakakalipas.
"Let's eat lunch muna. Since tutulungan niyo kong dalawa, ako na sagot sa lunch niyo."
Ngumiti ako sa kanila. Kung kanina, hindi kumikibo si Brenty, aba ngayon ang lakas ng boses.
"Yan gusto ko sayo Pat eh. Gutom na gutom pa naman ako ngayon hahaha— ay sorry.. hindi ka pa nga pala okay sakin."
Bigla siyang nagseryoso ulit. Tumawa naman ako.
"Ang arte mo Brent! Wala na yun!! Hahaha tara na! Ang dami kong bibilhin eh."
He face lit up tapos inakbayan niya ko.
"I know I owe you an explanation din, bff. Pero I think Ricci should be the one to do it. Thank you for forgiving me ah? Namiss kita! Pati na rin ang buong Manny Team... lalong lalo na si Cci. Pero tara na kasi gutom na talaga ako."
"Hoy Brent! Akbayan mo din naman ako oh! Mukha akong third wheel dito eh!"
"Akbay lang pala Philip eh! Halika dito!!"
Puro kami tawanan at kwentuhan habang kumakain kanina. Ngayon naman, dumiretso kami sa department store para tumingin ng curtains sa SM Home. The curtains should only be white or off white. Since white ang walls ng unit ko, I opted for the off white.
Nag-ikot pa kami around the area para maghanap ng iba pang kailangan ko like bedsheets, comforters, pillows, gamit sa kusina, yung study table na kailangan ko, at iba pa.
BINABASA MO ANG
[EDITING] Who Would Have Thought?
FanfictionBecause of watching one game, my life completely changed. And I love how it turned out. A RICCI RIVERO FANFICTION - Hi guys! As of July 31, 2018, I will be revising and editing the chapters of this story kaya kung mapapansin niyo, as of now iba pa...