GIF Zoned.

3.6K 67 31
                                    

Patrice's POV

The next day, maghapon lang kaming nasa bahay nila Ricci. Nakikipaglaro kami sa mga kapatid niya. Naging ka-close ko na ang mga ito. Habang naliligo si Ricci at yung tatlong bata, nandito kami ni tita sa living room.

"I heard about what happened anak. I'm sorry sa nagawa ng anak ko. You didn't deserve that."

"Okay lang po yun tita. Nagkausap na po kami ni Ricci."

"Sabi ng tito Paolo mo, nabasa niya daw yung mga nireply mo sa mga supporters niya pati na rin yung pinost mo. I just wanna say thank you anak. Sobrang buti mo."

"Kasi po tita, mahal ko po talaga si Ricci eh. Ayoko po madamay yung success niya sa issues namin. I don't want anyone hating him po kasi hindi niya po deserve yung hate ng ibang tao. Tsaka yun nga po, nasa peak na po siya ng success niya, ayoko pong mawala yun dahil sa nangyari. Ako naman po, normal lang so okay lang po na ihate nila ko. Mahal ko po si Ricci tita kaya po kaya kong magsacrifice para po sa kanya."

"Kaya nga lalo akong nahihiya sa ginawa niya sayo eh. Pasensya ka na anak. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa batang yan."

"Okay lang po yun tita, everybody makes mistakes naman po."

Biglang tumakbo si Riley papunta samin ni tita.

"Achi mabango na ko!!! Hihihi."

"Talaga? Paamoy nga si ate!"

Yumakap si Riley sakin. Grabe parang isang malaking stress ball to si Riley na pag niyakap mo, mawawala talaga stress mo eh.

"Pwede ako din? Bagong ligo din ako eh."

Biglang tumabi samin si Ricci. Natawa kami ni tita kay Ricci.

"Lika dito Riley anak, brush natin hair mo."

"Magt-shirt ka nga babe. Magkakasakit ka niyan eh."

Bumulong ito sakin.

"Bakit natu-turn on ka ba pag nakahubad ako?"

Tumawa ito.

"Mukha mo. Dyan ka na nga maliligo din ako."

Naglakad na ko papunta sa kwarto namin. Tumayo din si Ricci tapos sumunod sakin.

Pagpasok namin sa kwarto, biglang niya kong kinarga at hiniga sa kama.

"Babe naman eh!!"

"Wag ka na muna maligo. Cuddle muna tayo baby."

"Ayaw. Mabango ka na tas ako di pa naliligo eh."

"Ano naman? Bahala ka hindi ka makakaalis sa tabi ko."

Kinulong niya ko sa yakap niya.

"Babe? Happy ka ba sakin?"

"Bakit mo naman biglang natanong yan Ricci?"

"Wala naman. Baka kasi hindi ka masaya sakin eh."

"Sa tingin mo ba makikipagbalikan ako sayo kung hindi ako masaya? Kung alam mo lang kung gano ko kasaya sayo."

"Ako din babe sobrang happy ko. Oo nga pala! Hindi mo pa nabubuksan yung white box na nasa kotse. Mamaya na lang baby."

"Okay sige. Maliligo na ko babe."

"Ano ba yan saglit pa nga lang tayo naglalambingan babangon ka na agad."

"Bakit hindi ba pwedeng mamaya ulit?"

"Sabi mo yan ah?"

"Oo na."

"Wow parang napilitan ka pa ah. Lugi ka pa? HAHAHA."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon