That Will Never Ever Change.

2.6K 64 54
                                    

Patrice's POV

"Hoy bakla nasan ka na ba?"

"Hinihintay ko na lang yung uber. Bakit ka ba nagmamadali?! Ang aga aga pa oh!! 6:30 pa lang!"

"HAHAHA sorry na bes! Tapos na kasi ako magprepare ng dinner. Tsaka inom na inom na ko! Gusto ko na mag-happy T!"

Biglang kumatok si mommy.

"Anak nandiyan na yung uber mo."

"Sige po ma, lalabas na ko. Oh andito na yung uber ko sige na!"

"Sige girl, see you!!"

Binaba ko ma yung tawag at lumabas ng kwarto.

"Oh anak, mag-iingat ka dun ah? Wag masyadong uminom."

"Opo ma. Thank you, pinayagan niyo ko."

Ngumiti si mommy sakin at niyakap ako.

"You need it anak."

She broke the hug and kissed my cheek.

"Sige na. Magtext ka pagdating mo sa condo ni Philip."

"Opo."

Naglakad na ko palabas ng bahay at sumakay sa uber.

"Goodevening po. Ma'am Patrice?"

"Yes kuya. Goodevening po."

"Didn't wanna be a ghost but you pushed me over and over... Never thought I'd have a vice other than you, over and over.."

Nasa expressway na kami nung biglang nag-play yung Reforget ni Lauv.

Wow. Pati music sa radyo ng uber na to, nakikisabay sakin.

Hindi ko alam kung tama ba na gawin kong solusyon ang pag-inom ngayong gabi sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung makakatulong ba ang pag-party sa pagmomove on ko.

"Left you in the sky with the fire below
Thought I had it right, but I'm still.. lost in the light and I don't know what night it is.."

It was the only solution I know. Alam kong pag uminom ako, makakalimutan ko kahit saglit yung problena. Mawawala kahit panandalian lang yung bigat sa dibdib ko.

"You're somewhere else, I'm drinking not to guess. Blurry bodies, but you're on my mind.."

Ito nanaman.

Bumabalik nanaman yung mga memories namin sa utak ko. Tangina naman. Kusa siyang nagrereplay sa utak ko. Nakadungaw ako sa bintana pero yung mga memories namin ni Ricci ang nakikita ko sa labas.

"We let it go now I'm full of rum and regret.
I go out just so I can reforget..."

Dati, halos araw-araw ito ang dinadaanan namin galing bahay papuntang school pati na rin pag-uwi. Pero ngayong gabi, hindi ako sa sasakyan niya nakasakay kundi sa uber. At mag-isa lang.

Tama yung nasa song eh. I'll just go out so I can reforget.

"Thank you, ma'am."

Bumaba na ko ng Uber at dumiretso sa elevator paakyat sa unit ni Philip. The guards let me in all the time kasi parati na rin naman akong nandito. Kilala na nila ako.

Kumatok ako sa pintuan ng unit ni Philip. Binuksan naman niya ito agad.

"Hi Pat!!"

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon