Don't You Miss Sexy Times?

3.7K 63 43
                                    

Pat's POV

"Kuya pakibalik na lang ho yan."

"Pasensya na ma'am pero hindi po kasi pwede sa office yun. Pakitawagan niyo na lang ho yung sender."

Naiinis na ko. Araw-araw na lang may pinapadala siya dito. Kung hindi damit, sapatos. Minsan naman bulaklak o kaya naman pabango. Nakakainis na. Dumadami lang tinatambak ko sa kwarto.

"Sige pakibaba na lang dito sa loob kuya."

Isang malaking box ng LBC naman ngayon. Parang meron akong kamag-anak sa abroad sa mga pinapadala niya eh.

Pumirma na ko sa delivery receipt tapos umalis na yung nag-deliver. Sakto namang lumabas si tin sa kwarto niya at pumunta dito sa living room.

"Oh, meron na naman ate?"

"Naiinis na nga ako eh. Kelan ba siya titigil?"

"Pabayaan mo na lang ate, magsasawa din yan."

"Napupuno na kasi yung kwarto ng mga pinapadala niya. Ayaw naman ni mommy na sa guest room ko ilagay kasi daw baka mamaya biglaang may bisita tayong matutulog."

"Hindi mo ba alam bahay nila kuya Dominic? Bakit hindi mo ipadala pabalik sa kanya?"

"Mautak nga eh, hindi niya pinapalagay sa tracking receipt yung address niya."

"Buti pumayag sila na hindi niya nilalagay."

"Ewan ko ba."

"Buksan mo kaya ate."

"Oo nga tapos isasama ko na sa kahon na to lahat ng pinadala niya."

Inabot sakin ni tin yung cutter tapos binuksan ko na yung kahon. Pagbukas ko, isang malaking teddy bear. At wag kayo, yung ulo nung teddy bear ay mukha ni Dominic.

"What the fuck?"

Sabay kaming natawa ni Tin.

"HAHAHA. Grabe talaga yang ex mo ate! HAHAHA."

"Parang tanga naman to HAHAHA."

"Maiwan na nga kita dyan magrereview pa ko. HAHAHA."

Binalik ko yung teddy bear sa kahon tapos pumasok na ko sa kwarto at humiga sa kama. Kinuha ko yung phone ko tapos nagbukas ng twitter. Nagscan lang ako sa feed ko. Nag-flash sa screen ko na tumatawag si Andrei. Sinagot ko ito agad.

"Hello?"

"Pat!"

"Oh Andrei, what's up?"

"Alam ko na kung anong gusto ni Ricci!"

"Really? Ano daw?"

"Kiss mo daw friend eh.. hehe sorry wala talaga eh. Kahit anong gawin kong segway wala talaga. Sorry Pat."

"No Andrei okay lang yun! Thank you sa tulong mo."

"Sige sige. Yung gusto kong gift hindi mo tatanungin?"

"HAHAHA. Sige na nga. Anong gusto mong gift Kuya Wil?"

"Simple lang naman po ano. Cherry Mobile at Jacket! HAHAHA joke lang Pat!!"

"Hahahah ewan ko sayo!! Sige na, bye!"

"Hahaha ingat ingat bye!!"

Binaba ko na yung tawag. Ano kaya ang pwede kong ibigay dun? Biglang kumatok si mommy.

"Pat?"

"Yes ma?"

"Samahan mo muna akong mag-grocery."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon