By The End of The Night.

3.1K 70 48
                                    

Patrice's POV

"Here it goes. The video you saw babe... nangyari yung usapan namin ni Brent na yun the next day after we first met. Oo aaminin ko sayo, nung una yun lang talaga yung iniisip ko kaya nakipag-close ako sayo. Pero after a week Pat, nagbago lahat yun. Tinigil namin agad ni Brent yung usapan na yun. Kasi you didn't deserve that. Tsaka believe me or not I was really starting to get interested in you. Nagkakagusto na ko. Ayaw rin ni Brent na gawin yun sayo kasi sobrang bait mong babae. Mula nung pangalawang linggo nating magkakilala, sincere na ko sayo nun. Lahat ng intentions ko, malinis. I go and pick you up at school, go on dates with you kasi gusto ko. Niligawan kita kasi mahal kita. Babe, I hope you believe me. Mahal na mahal kita."

Tumango lang ako at uminom sa bote ng Red Horse na hawak ko.

"Yung mga pictures naman.. oh God you've interpreted the pictures wrong babe. I was with Angelica that day kasi the day before nun, pinuntahan niya ko at inabangan sa Razon after training. Birthday daw niya at sana pumayag ako na samahan siya. I agreed. Dahil gusto ko rin na sa araw na yun ang maging huling araw na guguluhin niya tayo. She even wanted to pay TF pa basta pumayag lang ako. Nung birthday niya, kumain kami sa isang resto. She told me na she thinks of me more than a friend at sana daw bigyan ko ng chance yung kaming dalawa. Hinawakan ko ang kamay niya at nag-sorry. Yun yung nakita mo sa picture baby. Nag-sorry ako at sinabi sa kanya na wag na siyang umasa sakin kasi hindi na magbabago ang feelings ko para sayo. Ikaw lang yunf mamahalin ko. Sabi ko sa kanya na sana rin wag na niya tayong guluhin at wag ka na niyang pagsalitaan ng kung anu-ano. She agreed. She even said sorry at hindi na daw siya manggugulo kahit kailan. She asked kung pwede pa rin daw ba siyang maging fan ko. Ngumiti ako and replied yes. Kaya ako nakangiti sa mga pictures na yun babe. Hindi dahil magkasama kami, kundi dahil hindi na niya ulit tayo guguluhin kahit kelan."

Lumapit siya and held both of my cheeks.

"Please babe believe me."

Dahan dahan akong tumango.

"But why didn't you try to reach out to me? Dalawang linggo yun Ricci. Ni hindi mo man lang ako pinuntahan sa bahay. Lalo ko tuloy naisip na baka nga kayo talaga ni Angelica at pinaglaruan mo lang talaga ako. Tangina nagpakalasing pa ko sa Happy T para lang makalimutan ko kahit saglit yung sakit."

"If you only know what I did during those times babe. Akala ko nga mahahalata mo eh. Good thing hindi."

Kumunot yung noo ko.

"What do you mean?"

"I asked Bryan to help me na bantayan ka. He agreed to help me. Siya ang nagsasabi sakin kung may gumugulo sayo sa school or kung may lumalapit ba sayo at kung saan ka pumupunta."

"What?!"

Tumawa siya.

"Yeah. And we did see each other babe. Alam kong nagpakalasing ka. Ako pa nga ang naghatid sayo sa condo ni Philip eh."

So that explains everything! Hindi nga ako nagkamali.

"Hahaha I remember pa. Sabi mo pareho kami ng lips ng boyfriend mo."

I felt my cheeks burning. Grabe!

"Hindi mo alam, ako naman talaga yun hahaha. You asked for my name. Akala ko nga mahahalata mo na kasi sabi ko Paolo ang pangalan ko. Nakatulog ka that time sa couch tapos buti na lang, hinayaan ako ni Philip na ihatid ka sa condo niya."

"You mean... ikaw ang nagpalit sakin?"

"Yup. Tapos a few days after nun, nagkita kami ni Philip kasi he wants me to explain everything to him. He said we'll be together again and that... you love me so much."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon