Patrice's POV
Fuck. Ang sakit sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong dumilat. I was already inside Philip's room. Wala akong katabi. Sinubukan kong umupo.
Wow parang tumitibok ulo ko sa sakit. Pagsilip ko sa nakalatag na mattress sa baba, wala na ring tao. Anong oras na ba? I searched for my phone. Wala ito sa tabi ko. Pati damit ko iba na rin. Ano ba kasing nangyari kagabi?
Tumayo ako sa kama at nilabas mula sa bag ko yung phone ko. It was already 12:15 in the afternoon! Grabe!! Kinuha ko yung toothbrush at toothpaste ko sa bag pati na rin yung panghilamos ko. May sariling bathroom yung kwarto na to kaya nag-cr muna ko.
Pagharap ko sa salamin, nagulat ako sa itsura ko. I was still wearing the make up I wore last night. Tapos ang gulo gulo ng buhok ko. In short, I look so fucking wasted.
Kahit masakit pa ang ulo ko, pinilit kong magtoothbrush at maghilamos.
Pagkatapos ko, lumabas na ko ng banyo at ng kwarto.
"Finally, gising na ang good girl gone bad natin! HAHAHA!!"
Natawa ako. Umupo ako sa bakanteng upuan sa dining table ni Philip. Kumakain na sila ng lunch.
"Tangina niyo hahahaha. Ang sakit sakit ng ulo ko."
"Panong hindi sasakit bakla? Ikaw ang pinakamaraming nainom samin kagabi."
Sumandok na ko ng kanin.
"Oh ayan, sabaw ng sinigang. Humigop ka ng mawala yang hangover mo."
"Thanks, Lenny. Pero teka guys, wala akong maalala kagabi. Pano ako nakarating dito? Ang huling tanda ko, may lalaking lumapit at nagbigay ng tubig sakin... tapos pinahiram niya yung jacket niya. Teka nasan nga pala yun? Sinong nagpalit ng damit ko kagabi?"
Nagtinginan sila.
"A-ah kasi bakla di ba nga pinahiram ka niya nung jacket niya. Bago ka niya iwan dun sa table, bumalik na kami nila Lenny tapos sabi ko kami na bahala sayo kaya yun kinuha na niya yung jacket niya tapos umalis na."
"Aaahh ganun ba?"
Inisip ko mabuti. Alam ko tinanong ko yung pangalan niya eh. Pero hindi ko matandaan.
"Natanong niyo ba yung pangalan niya?"
Nagsalita si Mark.
"Ahhh... R-Rico!! Di ba Philip? Rico yung pangalan!!"
Rico? Parang hindi Rico ang pagkakatanda ko eh.. parang...
parang Paolo. Ah oo! Paolo nga!
"Hindi!! Naalala ko na! Paolo. Paolo daw ang name niya."
"Ahh oo nga pala Paolo!! Kala ko R-rico hahahaha."
"Grabe guys, first time ko uminom ng ganun kadami! Tara happy T ulit sa Thursday!"
"Aba talaga naman si ate girl oh! Nag-enjoy masyado!! Gusto ulit sa Thursday!!"
Nagsalita si Mark.
"Ay I can't on Thursday, may liga kami ng volleyball ni Philip. Uuwi kaming Cavite."
"Ako naman may AdU chorale training. May contest kami sa Friday eh."
Tinignan ko si Maying.
"Sorry Pat, lalabas kami ni David eh."
Lahat sila busy sa Thursday.
"Eh di kayo na ang busy!! Next next Thursday na lang."
"Sige push."
BINABASA MO ANG
[EDITING] Who Would Have Thought?
FanfikceBecause of watching one game, my life completely changed. And I love how it turned out. A RICCI RIVERO FANFICTION - Hi guys! As of July 31, 2018, I will be revising and editing the chapters of this story kaya kung mapapansin niyo, as of now iba pa...