The More it Will Hurt in The End.

3.1K 50 49
                                    

Patrice's POV

"Happy New Year!!"

Lahat kami nasa labas na at may hawak na tig-isang lusis. Si dad yung in charge sa pagsindi ng fireworks. The sky is so bright and colorful. Halos lahat ng tao sa street namin ay nasa labas rin. Aaminin ko, after I received that text, hindi na to mawala sa isip ko. I don't know if someone's playing with me or something. Tsaka hindi ko rin alam kung pano nakuha ng taong yun ang number ko. Pero what bothers me the most ay yung line sa text na nilalaro lang daw ako ni Ricci? I don't know. Nagreply naman ako asking who he or she was pero the person just replied with, "malalaman mo rin soon."

"You okay, anak?"

I snapped out of my reverie nung kinalabit ako ni mommy.

"Yes mom."

Nginitian ko siya. My phone suddenly rang. It was a video call from Ricci. Agad ko itong sinagot.

"Happy New Year babe!!"

"Happy New Year Ricci!!"

"I love you babe. And I miss you so bad."

"I love you more babe! Miss na din kita!!"

Nag-usap lang kami ni Ricci for a good ten minutes kasi kakain na daw sila. Kami naman nagstay pa saglit sa labas. After masindihan yung fountains, pumasok na kami to eat. I tried to take that text off my mind and enjoyed the food.

Dahil maaga pa ang gising namin mamaya, nagstay na kami sa kanya kanyang room namin. Si daddy naman, umuwi na. I was checking my social media accounts pampa-antok. Ricci posted a picture of us on instagram.

ricci06rivero Made the last three months of the year count. On to the next with this one 💕

I liked his post and added a comment.

patricetolentino Awww 😍 The last three months with you was nothing but bliss 😌. On to the next one, babe. I love you!!

After ko mag-comment, I opened Twitter tapos nagreply ako sa mga bumati ng Happy New Year. Nag-tweet na rin ako.

Patrice
paaatricee

2017 has been nothing but a rollercoaster ride kind of year. Can't wait to see what 2018 has in store for me. Happy New Year, everybody! 🎉🤗

After ko magtweet I texted Ricci goodnight and I slept.

Pagkagising ko, naligo na agad ako and did my make-up. I am wearing a baby pink off shoulder, leggings, and flats. Paglabas ko ng kwarto, the tables that we rented were all set up sa garage kung saan kami kakain. Nilabas na pala ni mommy yung mga kotse namin. Yung ibang mga tita ko, nandito na to help mom prepare the food.

I was seated sa isang table with mommy, my titos and sila ate pati yung cousins kong lalaki.

"Patrice."

"Yes po, tito?"

"Balita ko may boyfriend ka na daw ah."

Napangiti ako.

"Opo tito."

"Anong pangalan para makilatis ko yan."

Yung pinsan kong si Vinchi ang sumagot.

"Papa, si Ricci Rivero yung boyfriend ni ate. Yung tiga-La Salle."

"Ahhh yung magaling magbasketball? Yung dumadakdak?"

"Opo tito."

"Nako ang galing mag-basketball ng batang yun. Napanood ko yung highlights niya eh."

[EDITING] Who Would Have Thought? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon