Ian Jeff POV
Nagising ako sa napakalakas na tugtog sa ibaba. 'Ano ba naman to ba't ingay.Tss.' Luminga linga ako sa kabuuan ng kwarto. 'Nasaan ba ako? Hindi ito ang kwarto ko ah' . Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
"Aistt. Ano ba naman to. Tss. Nakakahiya naman sa girlfriend nung dalawa. Tsk.", pagka usap ko sa sarili ko. "Nasaan kaya yung dalawang mokong na yun", bumangon na ako sa kama at lumabas sa kwarto. 'Tss. Saan ko ba hahanapin yung dalawang yun. Aling kwarto kaya rito natulog yung dalawa?' saad ng isip ko.
Umagaw sa atensyon ko ang katabi ng kwartong tinulugan ko, kung saan may narinig akong tinig ng isang babae. Nakaka akit ang boses niya na pag narinig mo ay huhugutin ka niya at tititigan nalang siyang kumakanta. Hinawakan ko ang door knob , at dahil sa curiosity ko ay dahan dahan ko itong binuksan. Ngunit natinag ako ng may tumawag sa akin.
"Ian! Nagising ka na pala.Anong ginagawa mo diyan?halika, Magkape ka na muna sa baba.", pagtawag sa akin ni Arriane. Bigla kong nabitawan ang door knob.
"Ikaw pala Arriane. Actually hinahanap ko kasi yung dalawa.", pagpapalusot ko sa kanya.
"Andun na sa baba. Nagkakape sila.",
"Ah. Ganun ba?", kamot ko sa ulo ko. "Sige, bumaba na tayo. Kala ko kasi tulog pa sila", patuloy na paliwanag ko.
Bumaba na nga kami ni Arriane. Nadatnan namin sa kusina yung apat, at may isang lalaki nagluluto sa kusina. Nevermind at nakalimutan ko yung pangalan niya.
"Good morning man!", maligayang bungad sa akin ni Xander at Jan Vincent.
"Ito kape oh.", abot sa akin ni Mich.
"Salamat", at hinigop ko na ang mainit na kape para mawala ng kaunti ang hang over ko. Namuo ang katahimikan na tanging maririnig mo lang ang paghigop sa kape at ang kalansing ng kutsara.
"Ah, Arriane tulog pa ba si Jazz?", pagbasag ng katahimikan ng lalaking nakalimutan ko ang pangalan niya. 'Tss. Sinong Jazz naman kaya ang binabanggit nito?' bulong ng isip ko.
"Nasa kwarto niya. Ayaw nun na naiistorbo tuwing umaga lalo na at walang pasok. Baka pagpasok mo ay sumalubong sayo ang unan niya.Hahaha..", lakas na pagtawa ni Arriane.
"Buti na lang...", bigla kong sambit.
"Anong buti na lang?", agad na tanong ni Arriane.
"Ah, wala.", pag-iwas ko sa tanong niya. 'Buti na lang talaga di ko nabuksan yung pinto at baka sumalubong talaga sa akin ang lumilipad na unan', bulong ng isip ko.
"What if, kumatok ako?", biglang sambit ng lalaking nagluluto. 'Aist ,anu ba kasing pangalan nito'.
"Hayaan mo na yun Jherro. Bababa na lang yun kapag nagutom na.", singit ni Angelie sa usapan.
'Aha! Jherro pala ang pangalan nito'..saad ng isip ko. Hindi na rin kumibo si Jherro at nagpatuloy na siya sa ginagawa niya. Siguro girlfriend niya yung Jazz. Ilang sandali ay may narinig akong mga yabag galing sa taas. Pababa na siguro ang Jazz na tinutukoy nila. Tumingin ako sa sala kong saan narinig ko siyang may kausap. Nakatalikod na siya sa amin.
"Hello Mom, why are you calling by the way?",
"Yes, we're fine",
Tinawagan ata siya ng Mom niya. Dineretso niya ang garden kong saan nag inuman kami ng tropa. Bakit kaya hindi ko siya nakita kagabi. Weird.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Teen Fiction*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...