Kabanata 15

6 1 0
                                    

Ian Jeff POV

Habang nasa byahe kami ay ipinikit ko muna ang mga mata ko habang hawak ko pa rin ang paa niya. Naiinis talaga ako sa nangyari sa kanya, at mas naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat siya iniwan kanina dun eh di sana hindi nangyari to sa kanya.

Nagmulat ako at tumingin sa kanya na ngayon ay tulog na. 'Ayoko na nakikitang nasasaktan ka Jazz either physical or emotional.', bulong ko sa isip ko. Sa kalsada na ako tumingin at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay nila Xander.

"Ok lang ba talaga na maiwan kayo dito?", tanong ni Mich na mukhang nag aalala kay Jazz na ngayon ay tulog pa rin.

"Ok lang. Susunod na lang kami mamaya pag ok na siya. Text text na lang.", sagot ko naman.

"Wag mong pababayaan si Jazz, Ian..", pagpapaalala sakin ni Angelie.

"Oo naman. Ako ng bahala sakanya.", saad ko.

Binuhat ko na ang tulog na si Jazz at nagpaalam na ako sa kanila bago pumasok sa loob. Ihiniga ko na siya sa sofa at pumunta ako sa kusina para kumuha ng yelo sa refrigerator ni Xander. Pagbalik ko sa sala ay gising na siya.

"Nasaan sila?", bungad niyang tanong sakin.

"Pumunta na sa Lignon Hills. Susunod na lang tayo mamaya sa kanila kapag ok ka na. Magpapagabi sila dun.", sagot ko sa kanya habang linalagyan ko ng yelo ang paa niya.

"Ganun ba? Sana maging ok na ang paa ko para makasunod tayo sa kanila mamaya.", aniya habang nakatingin sa paa niya.

"Makakalakad ka na nito mamaya. Buti na lang naagapan agad kaya hindi masyadong malala. Next time mag ingat kana Jazz.", pagpapa alala ko sa kanya.

"Oo. Pasensya na sa abala sayo.", nahihiyang sagot niya.

"Hindi mo ko naaabala. Wag ka na munang tatayo ipagpahinga mo muna yan.", sabay patong ko sa paa niya sa sofa. Iniwan ko na siya at pumunta ulit sa kusina. Naisipan ko ng magluto ng lunch namin. Nagtext naman sa kin si Mich na mukhang sobrang nag aalala sa bestfriend niya, nagtatanong nanaman kung okay na ba ang paa ni Jazz. Rineplayan ko na si Mich na medyo okay na ang pakiramdam sa paa ni Jazz. Ipinagpatuloy ko na ang paghanap ng pwedeng maluto.

"Anong ulam ang gusto mo Jazz?", sigaw kong tanong sa kanya para marinig niya sa sala.

"Bahala ka na. Basta yung nakakain ha.!", sigaw niya naman kaya napangiti ako. Mukhang ok na ang pakiramdam niya ah. Nakakapagbiro na siya ngayon.

Naghanda na ako ng mga sangkap para maluto ko na ang mixed vegetables. Konti lang ang lulutuin ko dahil kaming dalawa lang naman ang kakain. Napansin ko na medyo tahimik na kaming dalawa lang.

"Jazz! Ok ka lang ba dyan? Ang tahimik mo. Gusto mong dito ka na lang sa kitchen magpahinga?", sigaw ko habang binabalatan ko ang sayote.

"Pwede bang pumunta dyan? Bored na ko dito eh.", balik niyang sigaw sa kin kaya napahinto ako at naghugas ng kamay. Paglabas ko sa kusina ay nakita ko siyang tumatayo na kaya naman nilapitan ko kaagad siya.

"Ba't di mo ko hinintay. Halika na nga dito.", sabay buhat ko sa kanya na parang bride kaya napakapit siya sa leeg ko. Pumunta na kami sa kusina at pina upo ko na siya.

"Thanks.", aniya na medyo nahihiya sa ginawa ko.

"Ba't ang gaan mo Jazz? Kumakain ka ba ng maayos?", tanong ko sakanya na may halong pang aasar.

"Oo naman. Mahilig akong kumain.", sagot niya sabay tingin sakin.

"Di halata ah.. Mahilig ka ba sa mixed vegetables?", pag iiba ko ng topic.

"Ahm, oo. Nakahiligan ko na lang kasi paborito yan ni Mich.", sagot niya naman sa tanong ko.

"Ito pa rin pala ang paborito niya.", sabay ngisi ko.

"Matagal mo na bang kilala si Mich?", tanong niya sa kin na ikinagitla ko.

"Yap. Since 1st year high school.", tipid kong sagot.

"I see.", sabay kuha niya sa cellphone niya.

"Nagtext sa kin si Mich kanina, nagtatanong kung ok na ba ang paa mo. Napaka caring ng bestfriend mo.", pagkekwento ko sa kanya.

"Yeah. Ayaw niya kasing nagkakasakit ako o nasasaktan.", sabay ngiti niya.

"Kaya naman pala." Tanging sambit ko. "Gutom ka na ba Jazz?,"

"Hindi pa naman.",

"Mabilis lang naman tong maluto. Hintay ka lang dyan.", sambit ko habang nagsisimula ng magluto.

"Hindi naman ako makakaalis dito eh", sabay ngisi niya.

"Nakakapagbiro ka na ngayon ah.", sabay tawa ko.

"Bilisan mo na nga ang pagluto mo diyan. Dami mo kasing satsat.", ngisi niya at hindi na tumingin sa kin.

"Yes Madam." Sabay bow ko sa kanya.

Minadali ko na ang pagluto ko dahil mukhang gutom na ang kasama ko. 12:30 na kami nagsimulang makapag lunch kaya naman halos wala kaming kibuan habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang ginamit namin habang siya ay naghihintay saking makatapos sa aking ginagawa.

Nang makatapos ako ay napagdesisyonan naming pumunta na sa sala. Tumanggi na siyang magpabuhat sakin kaya naman inalalayan ko na lang siya. Hindi na rin naman daw kasi sumasakit ang paa niya. Nang makarating kami sa sala ay kinuha niya ang gitara sa gilid niya. Napatingin ako sakanya habang nag i-strum siya sa gitara. Naalala ko tuloy nung una kong marinig ang boses niya kaya napangisi ako.

"Hilig mo ba talagang kumanta?", naitanong ko bigla sa kanya.

"Oo. My life is nothing without music.", sagot niya habang patuloy siya sa pag strum ng gitara. "Ikaw? Di ba marunong ka rin nito?", tanong niya na nakatingin sakin.

"Ah... oo naman. Nakahiligan ko na rin ang pagkanta lalo na pag may gitara.", sagot ko.

"Halika na punta na tayo sa kanila. Okay na rin naman ang paa ko. Nakaka bored na tayong dalawa lang dito." Sabay baba niya sa hawak na gitara at tumayo na siya.

Napatayo na rin ako at sumunod na sakanya palabas habang tinitingnan ko ang paa niya. Siguro ok na talaga siya, nakakapaglakad na siya ng maayos. Pumara na sya ng tricycle kaya naman sumakay na ako agad. Napansin kong wala siyang kibo hanggang sa makarating kami sa Lignon Hills. Nagsimula na siyang maglakad at nagbayad ng entrance fee.

"Wag ka ng magbabayad, binayaran na kita", sambit niya agad ng makita niyang kumukuha akong pera sa wallet ko.

"Thanks.", saad ko. Sabay na kaming naglakad at napapatingin ako sa kanya dahil hindi na siya kumibo ulit.

"Ok ka lang ba Jazz? Kanina ka pa tahimik ah.", tanong ko sa kanya ng puno ng pag aalala.

"Ok lang ako. Wala ako sa mood na magsalita kasi.", sagot naman niya agad at kinuha niya ang earphone niya at inilagay niya sa tenga niya.

Kaya naman di na lang ulit ako nagsalita at kinuha ko rin ang earphone ko at nakinig ng music. Wala akong maalala na may nasabi kong mali kanina kaya naman napapailing ako habang naglalakad. Tahimik pa rin siya at parang ang lalim ng iniisip. Hanggang makarating kami sa tuktok ng Lignon Hills ay hindi niya ako kinibo.

Nakita ko kaagad sila Mich na kumakaway sa amin pero si Jazz ay nanatiling nakayuko kaya naman kinalabit ko siya at biglang tumingin sakin. Tinanggal ko ang earphone niya para marinig niya ang sasabihin ko.

"Nandito na tayo. Andun sila Mich.", sabay turo ko sa kinaroroonan nung apat.

"Ah,ganun ba?. Thanks.", atnaglakad na siya ulit hanggang sa makalapit kanila Mich. Sumunod na rin ako sakanya. Umupo ako sa gilid nila Xander habang kinakamusta naman ng dalawangbabae si Jazz.

The Heartbroken Girl Met The Heartbroken BoyWhere stories live. Discover now