Kabanata 3 "Party Time"

11 1 0
                                    

Jazz POV

"Kumpleto na ba ang pinamili natin? Wala na bang kulang?", paninigurado ko sa tatlo kong kasama.

"Ok na Jazz. Para sa dalawampu't limang katao. Check!", sagot ni Angelie sa'kin.

"Bayaran na natin yan para maka uwi na tayo.", suhestyon ko sa kanila.

"Buti na lang sumama sa atin si Jherro.", biglang sambit ni Arriane at dahil dun ay napatingin ako. "May tutulong sa atin sa pagbitbit nito.",

"Isinama niyo si Jherro?", biglang tanong ko kay Arriane.

"Yap.. nagpumilit eh.", sagot sa akin ni Arriane.

"Tutulong daw kasi yun sa pag prepare ng foods. Kaya isinama na naming dito", sabat naman ni Mich.

"Ok.", yun na lang ang tanging nasambit ko.

Habang binabayaran ko ang mga pinamili namin ay tinawagan naman ni Arriane si Jherro na pumunta sa pwesto namin. Tamang pagdating ni Jherro ay nailagay na ng sales lady ang mga pinamili namin. Plastic Kukunin ko na sana yung isang bag ngunit kinuha ito sa akin ni Jherro.

"Akin na yan Jazz.", sabay kuha sa akin ng plastic bag.

"Ano ka ba..kaya ko na yan..ibalik mo na sa akin..",

"No Jazz. Kaya ko na to", at dire diretso na siyang lumabas sa Mall.

'Anong nakain nun?' bulong ko sa sarili ko. 'Nevermind'

Sumakay na kami sa kanya kanya naming kotse. Pagdating namin sa bahay ay nagsimula na kaming mag prepare ng foods habang di pa dumarating yung ibang classmate namin. At ang naging taga luto namin ay si Jherro. Nakita ko si Jherro na pawis na pawis kaya pumunta ako sa kwarto at kumuha ko ng towel.Pagbaba ko ay inaiabot koi to sa kanya.

"Jherro, ito oh, towel.. pawis na pawis ka na kasi",

"Salamat Jazz," sabay ngiti niya sa'kin.

"HEP!HEP!HEP! anong kaganapan to?aber!", biglang pasok ni Angelie sa kusina.

"Binigyan ko lang siya ng towel Angelie.", pagpapaliwanag ko. Habang pinagpapatuloy ko ang paghuhugas ng mga plato at baso.

"Ganern? Alam niyo. Bagay Kayo..", biglang sambit niya na ikinabigla ko.

'Blog!..' (tunog ng nahulog na baso...hahaha)

"Ako na nyan Jazz.", pigil sa akin ni Jherro sa kamay ko ng pupulutin ko ang basong nabasag. "Baka masugatan pa ang kamay mo",

"Sige,thanks",

"Ang sweet,", sambit nanaman ni Angelie. Tiningnan ko ng masama si Angelie.

"Scary!", sabay alis niya.

"Tss. Pagpasensyahan mo na Jherro si Angelie. Ganun lang talaga yun pag walang magawa.",

"Hahaha.. Sanay na ko sa kanya Jazz.", saad niya. "Nga pala Jazz, bakit naisipan nyung mag paparty. Anong meron?", biglang tanong niya sa akin.

"Wala naman. Trip lang naming apat. Matagal na rin naming itong di nagagawa eh.", sagot ko sa kanya.

"Jazz! Jazz!, Andito na sila.", sigaw ni Mich galing sa sala.

"Papasukin mo na! and i-praktis niyo na yung mga steps. Tatapusin lang namin to ni Jherro!", sigaw ko rin kay Mich.

"Malapit na rin naman tayong matapos dito sa niluluto natin", sambit ni Jherro.

The Heartbroken Girl Met The Heartbroken BoyWhere stories live. Discover now