Jazz POV
Ayokong napapalapit sa mga taong kagaya niya. Ganyan ba talaga siya? Kahit hindi niya pa masyadong kilala ay parang sobra naman ang pagiging caring niya. Naglalakad na kami ngayon pataas sa Lignon Hills at hindi ko talaga siya kinakausap. Ayaw kong mapalapit sakanya kasi parang naguguluhan na ako lalo na sa mga pinapakita niya. Kaya mas okay na ang hindi ako kumibo ngayon. Sa konting araw na nakasama ko siya, hinangaan ko na siya. Di ko mapigilan na magka crush sa kanya, pero ayokong malaman niya to. Mahilig pa namang mang asar ang lalaking to. Sa lahat kasi ng lalaking nakasalamuha ko, siya lang yung napaka friendly. Lahat na lang at gusto niyang kaibiganin.Tss.
Nabigla ako ng may kumalabit sakin kaya napatingin agad ako sa kanya habang kumakalabog ang puso ko dahil sa pagtanggal niya sa earphone ko.
"Nandito na tayo. Andun sila Mich.", sabay turo niya sa kinaroroonan nung apat.
"Ah, ganun ba?. Thanks.", at naglakad na ako hanggang sa makalapit kanila Mich. Pag upo ko ay kinamusta agad ako nung dalawa.
"Bhesty? Ok na ba ang pakiramdam mo?", tanong agad ni Mich sa kin habang tinitingnan ang paa ko.
"Hindi na ba masyadong masakit?", tanong naman ni Angelie.
Napangiti ako sa tinuran ng dalawa. "Ok na ako. Nakapaglakad na nga ako hanggang sa makarating sa tuktok nito.", sabay tawa ko sa kanila.
"May napansin lang ako sa inyong dalawa ni Ian.", biglang saad ni Mich na ikinahawak ko sa kamay niya.
"Hey! May kelangan ba kaming malaman Jazz?", tanong agad ni Angelie.
"Pwedeng lumipat tayo ng area?", bulong ko sa kanilang dalawa.
"Boys, maiwan muna namin kayo dito ha'.. Girls bonding muna kami.", pagpapaalam naman ni Angelie kaya iniwan namin ang boys at lumipat sa isang area na malayo sa mga boys. Pagka upo namin ay biglang sumeryoso ang dalawa.
"Seryosohan ba to Jazz?", tanong agad ni Angelie. Pero di ko siya sinagot at nagtanong agad ako kay Mich.
"Anong napansin mo samin ni Ian kanina?", baling ko kay Mich.
"Para kasing may something, nakaganun lang kayo habang pumapanhik dito pataas? Hindi kayo nagkikibuan? Nag away ba kayo?", sunod sunod naman niyang tanong.
"Ayoko lang kasing magsalita kanina, Hindi naman kami nag away. Sadyang ayoko lang kausapin siya.", pagpapaliwanag ko naman.
"Bakit naman ayaw mo siyang kausapin?", tanong naman ni Angelie.
"Ayoko kasing mapalapit ng sobra sa kanya. Nagkakaroon na ko ng crush sa kanya at gusto ko yung pigilan.", pagsisiwalat ko na ikinatuwa naman ng dalawa.
"Really Jazz!?", yugyog sakin ni Mich.
"Tama ba tong naririnig namin? Ikaw na isang manhid na sa love ay nagkakaroon na ng crush? It's a good sign Jazz.", tuwang tuwang sambit naman ni Angelie.
"Jazz, wag mong pigilan ang sarili mo. Heto na, may nagbubukas na ulit dyan sa puso mo.", sambit naman ni Mich na ngayon ay ngiting ngiti.
"Natatakot ako. Natatakot ako na baka maging one-sided crush or love ito. Pag nagkataon hindi ko alam kung saan ko pupulutin ulit ang sarili ko.", at napayuko ako.
"Jazz, hindi mo pa nga nasusubukan eh. Saka mabait si Ian , alam kong pag nahulog kayo sa isa't isa hinding hindi ka niya sasaktan.", saad ni Mich sabay yakap sakin kaya naman napayakap rin si Angelie.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Teen Fiction*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...