Jazz POV
Kagabi ko pa napapansin na sobrang iwas sakin si Jeff. Hindi rin siya nagtitext sakin. At hindi rin siya sumabay ng breakfast at lunch samin. Hanggang ngayon ay hindi ko siya mahagilap kahit dito sa labas. Kaya naman pumunta na lang ako sa kinaroroonan nila Jherro at Althea.
"Pwede bang maki-upo?", tanong ko sa dalawa at ngumiti sila sakin.
"Sure.", si Althea ang sumagot sakin.
"Hindi pa rin ba bumabalik si Ian?", tanong naman sakin ni Jherro.
"Hindi pa eh. Ni text nga wala", at napabusangot ako. Pinaglaruan ko na lang ang buhangin sa paligid ko.
"Kayo na ba?," tanong naman ni Althea sakin.
"Hindi ko pa naman siya sinasagot."
"Bakit?", takang tanong ni Althea.
"Hindi naman kasi siya nagtatanong eh.", sagot ko naman.
At tumawa naman bigla si Jherro. "What if tanungin ka nya bhext?,"
"Alam mo na ang sagot diyan bhext. Di pa ba halata?,", at napatawa ako sa sagot ko mismo. Gusto ko na rin naman talaga siyang sagutin eh. I can't wait for that moment to come.
"Maiwan ko na muna kayo. Baka nakakaistorbo ako sa moment niyo.", sabay tawa ko ng mahina. "Kung gusto nyong mag swimming may pool area rin dito. Dun sa part na yun.," at itinuro ko sa kanila ang nasa kaliwang parte ng resort pagkatapos nun ay iniwan ko na silang dalawa.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko yung apat na nasa sala na animo'y nagbubulungan at ng makita nila ko ay umayos agad sa pagkakaupo. Si Arriane naman ay kakalabas lang galing sa kusina. There's a feeling na nawiwirduhan ako sa kanila, kaya naman umupo ako sa bakanteng upuan sa sala.
Saktong pag upo ko ay sya namang salita ni Angelie. "Jazz.. what's your plan later?,"
Nag isip naman ako. Ano nga ba? Ayoko pa namang mag swimming hangga't hindi ako pinapansin ng kumag na yun. "Actually, wala pa kong plano.", at nagkatinginan naman sila pwera na lang kay Arriane.
"Nga pala. Asan si Ian Jeff?,", baling ko sa dalawang lalaking kaibigan niya.
"Malay ko ba dun. Umalis yun kanina ng walang paalam eh." , sagot naman ni Xander. Kaya naman tumango na lang ako.
"Punta tayo Jazz mamaya sa may pool area nyo. Narinig ko kasi na may party raw dun mamaya." ,aya naman ni Mich.
Napakunot naman ako ng noo. "I haven't heard about that thing. Pero sige punta tayo mamaya..", pagpayag ko rin sa huli. "Anong oras ba?"
"7pm. Dapat daw naka dress.." sagot naman ni Angelie.
"Ok. Lahat ba tayo pupunta?."
"Yap. Alam na rin naman nila Jherro." sambit naman ni Arriane.
"Ok. Magluluto na ako ng dinner na--"
"Wag na Jazz. Dun na lang tayo mag dinner. Libre naman daw..", pigil sakin ni Angelie.
"Ok." kaya naupo ulit ako. Tiningnan ko naman ang cellphone ko at wala pa ring text ang lalaking yun. Deep inside talagang naiinis ako.
Ngayon pa talaga ha? Ngayon pa siya mambibwisit sakin.
Pumasok na rin sila Jherro at dumiretso na sa sarili nilang kwarto. Nagtayuan na rin ang limang kasama ko dito sa sala at mukhang mag piprepare na sila. Kaya naman tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Malapit pa lang naman na mag 6 ah.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Novela Juvenil*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...