Kabanata 19

4 1 0
                                    

Ian Jeff POV

Maaga akong nagising at saktong pagbukas ko ng pinto ay iniluwal naman ng kabilang kwarto si Jazz na ngayon ay dala dala na rin ang mga gamit niya. Tumingin lang din siya sa kin at naglakad na palabas.

"Grabe yun. Speechless ako ah.. Nakakapanibago to..", usal ko sa sarili ko at napailing na lang ako sa aking tinuran. Sumunod na rin ako kay Jazz papunta sa van para ilagay ang aking gamit. Nang makalabas na ako ay nakasalubong ko siya at dire diretso naman siyang pumasok sa loob ng bahay.

Pagkatapos kong mailapag ang gamit ko sa loob ng van ay pumasok ulit ako sa loob ng bahay para mag kape. Mukhang kami ni Jazz ang unang naglagay ng gamit sa loob ng van, baka tulog pang apat. Dumiretso na ako sa kusina at nadatnan ko si Jazz na nagtitimpla ng kape.

"Magkakape ka rin ba?", bungad niyang tanong sakin. Akala ko pa naman hindi na siya magsasalita.

"Ahh.. oo.", sagot ko naman.

"Gusto mo bang itimpla kita ng kape?", alok niya bigla sakin.

"Ahm. Sige..", pagpayag ko naman kaya napa ngiti ako habang ipinagtitimpla niya ko ng kape.

"Ang swerte naman ata ng magiging boyfriend mo Jazz. Napaka maalaga mo.", ngiti kong saad sa kanya.

At tumawa naman siya. "Maalaga na ba agad to sayo? Pagtitimpla pa lang to ng kape.." sabay iling niya at ibinigay na nga niya ang kape sakin. Umupo na rin siya at nagsimula ng uminom ng kape.

Di ko maiwasang hindi tumingin sa kanya, alam kong hindi ka mahirap mahalin Jazz kaya nakapagdesisyon na kong ligawan ka. Sana hindi ka magalit sakin.

"Ahm Jazz... pwede bang manl--",

"Good morning sa inyong dalawa! Ang aga niyo laging gumising.", bungad sa amin ni Xander kaya naputol ang sinasabi ko kay Jazz.

"Sabi niyo raw kasi maaga tayong aalis kaya maaga akong gumising.", saad ni Jazz.

"Oo nga, maaga tayong aalis kasi pero hindi naman ganito ka aga.. 6:30 tayo aalis dito sa bahay. Alas singko pa lang oh..", ani Xander sabay agaw niya ng kape sakin.

"Dude! Ano ba akin yan.", agaw ko naman sa kape ko. Ang sarap pa naman ng kape ko tapos aagawin niya lang. Psh.

"Grabe ka dude. Ang damot mo.", sabay pout niya sa harap ko kaya binatukan ko siya.

"Tigil tigilan mo nga yan para kang aso. Tss.", inis kong ani kay Xander. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Jazz.

Nagpatuloy na ko sa paghigop ng kape at si Xander naman ay nagtimpla nalang ng para sa kanya. Dahil kay Xander di ko tuloy nasabi kay Jazz yung dapat kong sabihin. Wrong timing naman ang kolokoy na to. Tss.

Ilang sandali ay nagising na rin ang tatlo samantalang si Xander ay inayos na ang ibang gamit sa van. Si Jazz naman ay pumunta na sa van para umidlip kaya hindi ko muna siya kinausap. Tumambay na lang ako sa labas para hintayin yung tatlo na nasa loob pa rin ng bahay.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin kami , nag stop by muna kami sa Jollibee para mag almusal. Buti na lang nagising si Jazz sabay ng pagtigil ng sasakyan kaya di ko na kelangang gisingin. Dahil sa maaga kami ay kami pa lang ang tao sa loob ng Jollibee. Dito muna kami nagpalipas ng oras habang naghihintay na mag 7 am.

"Bakit nga pala maaga tayong uuwi?", tanong bigla ni Jazz sa kalagitnaan ng pagkain.

"Uuwi kasi si Mom, Jazz. Malapit na kasing mag Undas.", sagot naman ni Mich.

The Heartbroken Girl Met The Heartbroken BoyWhere stories live. Discover now