Jazz POV
"Arriane.. ba't andito ka pa sa sala?", tanong ko sa kanya habang ako naman ay pumwesto sa kabilang upuan. Kinilatis niya muna ako bago siya nagsalita.
"Ok ka lang ba Jazz?", tanong niya na hindi man lang pinansin ang tanong ko sa kanya. Malakas talaga lagi ang pakiramdam niya. Kaya naman napasinghap na lang ako at pumikit.
"Are you jealous because of her?", tanong niya na ikinamulat ng mga mata ko.
Ibig sabihin... napansin niya rin ang napansin ko kanina? O yun ba ang tinutukoy niya kanina bago siya kumanta. Ito ba yung gusto niyang malaman? Hindi pwede...
"What are you talking about? Si Denisse ba?", sabay ngiti ko para di siya magtaka.
"Don't fool me Jazz. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko.", pagtataray niya pa. "Wag mong ipagtanggol ang tinuring mong bestfriend Jazz. Dahil una't una pa lang, nag LIHIM na siya sayo!", diin niyang sabi sabay tayo niya at pumunta na sa sarili niyang kwarto.
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko kaya napahilamos na lang ako sa mukha ko.
Knowing Arriane... ayaw niya lang may masabi pa siyang masasakit na salita kaya mas pinili niyang umalisa na lang at pumunta sa kwarto niya. Ayoko rin kasing husgahan si Mich dahil lang sa nakita ko, but then, gusto ko pa ring malaman ang dahilan niya. Ang mga rason na mismong galing sa kanya.
"Bhesty...", tumingin ako sa pinanggalingan ng boses ni Mich. Galing siya sa hagdan at ngayon ay nandirito na sa harapan ko.
"I'm sorry...", sabay yakap sakin. "Narinig ko lahat ang sinabi ni Arriane", sabay kalas niya sa pagkakayakap sakin at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Matagal ng may gusto sakin si Ian, since 1st year high school. Siguro, kung hindi siya umalis ay baka nagustuhan ko rin siya. He was always calling me 'babe' noon. But it turned out na si Jan Vincent ang nagustuhan ko at minahalkongayon. Don't be jealous Jazz... kasi wala akong gusto sakanya.", at tiningnan niya ako diretso sa mata. Nandun yung pagiging sincere niya sa mga sinabi niya. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya hindi dapat ako magselos.
Kaya naman niyakap ko siya. "Thank you.", tanging sambit ko sa kanya at kumalas rin agad ako sa pagkakayakap. "Let's sleep na... pagod na rin naman kasi ako at medyo sumasakit ang ulo ko.", ngumiti ako sa kanya para di siya mag alala at sabay na kaming pumunta sa sarili naming kwarto.
Sumalampak agad ako sa kama ko.
Pumasok agad sa isip ko ang mga nangyari kanina. Gusto kong pilitin ang sariliko na hindi magselos pero hindi ko magawa.
Sa totoo lang ay nagseselos ako kay Mich at hindi ko yun maitanggi sa sarili ko. Selos na selos ako. Pero wala akong karapatang magalit at magselos rin dahil wala pa namang 'KAMI'.
May nararamdaman din kaya sakin si Ian Jeff?
May pag-asa kayang maging kami?
"Arghh!!!!", napasabunot ako sa sarili ko at gumulong gulong sa kama.
Bakit ba kasi ganun? Hindi na ba ko pwedeng sumaya? Dapat ba laging may mga balakid? Pero hindi naman balakid si Mich ah...
Hindi na dapat ako magselos dahil may boyfriend na rin naman si Mich...
Sana... sana seryoso si Jeff sa panliligaw sa kin.. Panghahawakan ko pa rin ang sinabi niya kanina.. Hays...
---
Kinaumagahan ay nagising ako sa malakas na tugtugin galing sa baba.
"Ouch!", napahawak ako sa ulo ko. Hang over attack. Argh!!! Kelangan ko ng maligo para naman mahimasmasan ako. Kaya naman pumasok agad ako sa cr para maligo.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Tienerfictie*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...