Kabanata 9

9 1 0
                                    

Jazz POV

Maaga akong nagising at pagkakita ko sa cellphone ko ay may text message at missed call galing kay Ian Jeff. Natulugan ko na pala siya kagabi. Binuksan ko ang text niya.

From: Mr. who-ever-you-are

Sorry na Ms. Sungit. Natutuwa lang talaga ako pag naaasar ka. Salamat nga pala dahil napapatawa at napapangiti mo ko. Salamat. Good night.

"Wow ha.. ano ako CLOWN?!",.. tanong ko sa sarili ko. Bumangon na ako at naligo dahil kelangan ko pang magluto. Ako kasi ang naka schedule na magluto ngayon. Pagkatapos kong maligo at magdamit ay bumaba na ako para magluto. Habang nagpi-prepare ng mga sangkap ay biglang tumunog ang cellphone ko.

'Sino naman kaya ang nagtext ng ganito ka aga', Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa. 'Si Ian Jeff lang pala.Ano na naman kaya to?' at binuksan ko na nga ang message niya.

From: Mr. who-ever-you-are

Good morning Ms. Jazz! (^.^)

"Ang aga naman nitong gumising", pero di ko siya rineplayan at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

('Tweet! Tweet! SMS..) --- (A/N : ringtone ng cp ni Jazz..hahahaha)

"Ang kulit naman ng taong to",

From: Mr. who-ever-you-are

Gising ka na ba Ms. Sungit. Nabasa mo na ba yung text ko kagabi? Pinapatawad mo na ba ako?

Mareplayan nga..

To: Mr. who-ever-you-are

Ang aga aga nangungulit ka na agad. Papatawarin kita pero, sa isang kondisyon. Wag mo na akong kukulitin ulit. Maliwanag ba?

Message Sent!

('Tweet! Tweet! SMS..) 'Aba! Ang bilis niya namang magreply'

From: Mr. who-ever-you-are

Ang aga aga nagsusungit ka na naman. Hindi naman kita kinukulit ah.

"Ano kaya ang tawag niya sa ginagawa niya ngayon..Tss",

To: Mr. who-ever-you-are

Ewan ko nga sayo. Magluluto muna ko. Tsk.

Message Sent!

('Tweet! Tweet! SMS..)

From: Mr. who-ever-you-are

Sige na nga. Mamaya na lang kita kukulitin. (^.^)

Hindi na ko nagreply kaya ipinagpatuloy ko na ang pagluluto ko. Ilang sandali ay natapos ko ng lutuin ang fried rice kaya magpiprito na lang ako ng tocino. Habang nagpiprito ako ay narinig ko na ang yabag ng isa kong kaibigan.

"Good morning Bhesty!" bati niya sa'kin.

"Goodmorning di sayo Bhesty!", balik kong bati sakanya.

"Nga pala Bhesty, ibinagay ko kay Sweetie ko yung number mo kagabi. Pinapahingi raw kasi ni Ian, gusto raw mag sorry sayo", pagpapaalam sa akin ni Mich. "Nagtext na ba sayo?",

"Ahm.. Oo. Kagabi nagtext siya.", sagot ko habang pinagpapatuloy ko naman ang pagpiprito.

Bumaba na rin sila Arriane at Angelie para mag almusal. Sakto naman na natapos ko na ang pagpiprito. Sabay sabay na nga kaming nag almusal. Sa kalagitnaan ay biglang napatanong si Angelie.

"Papasok ba tayo ngayon? Tinatamad kasi ako. Bukas pa naman ang laban mo Arriane sa volleyball ah.",

"I feel you Angelie. Tamad na tamad din ako.", panggagatong rin ni Mich.

The Heartbroken Girl Met The Heartbroken BoyWhere stories live. Discover now