Jazz POV
Sinang – ayonan ko ang mga sinabi ni Ian kanina habang nasa Lignon Hills kami. Kaya naghihintay ako sa aking Mr. Right yung di ako sasaktan at yung mamahalin ako ng totoo. Ayoko ring malaman na crush ko siya baka mas lalo niya kong asarin.
Nasa restaurant na kami ngayon at tahimik kaming kumakain ni Jeff samantalang ang mga love birds ay sweet na sweet at nagsusubuan pa. Out of place nanaman kami ni Jeff nito ah... o baka ako lang ang out of place dahil mukhang wala namang pakialam si Jeff sa apat na to. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang pagkain niya kesa sa mga kasama namin. Tumingin siya bigla sa akin dahil sa pagkakatitig ko sa kanya.
"Ok ka lang ba?", mahinang bulong niya. "Ba't di mo ginagalaw ang pagkain mo?",
"Wala naman. Ok lang ako.", sabay subo ko.
"Hoy kayong apat..", sigaw niya sa mga ito kaya naman tumingin ang mga love birds. "Di ba kayo linalanggam diyan. Mahiya naman kayo sa amin ni Jazz.", angil niya dito at ngumisi lang ang mga ito at umaayos na rin sila.
"Ito pa Jazz oh.. kumain ka ng marami.", sabay lagay ni Jeff ng ulam sa plato ko.
"Tama na.. marami pang pagkain sa plato ko.", sabi ko para patigilin siya sa ginagawa niya.
Linantakan ko na ang pagkain sa plato ko para ubusin ito para tumigil na siya sa kakatanong sa akin kung ok lang ba ako. Pagkatapos naming kumain ay diretso uwi na kami sa bahay nila Xander. Naiwan ang lima sa sala at ako naman ay dumiretso na sa kwarto para magpahinga. Iniiwasan ko lang talaga si Jeff sa ngayon dahil naaalala ko lagi yung palitan namin ng opinion kanina.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may text sa akin ang bestfriend kong si Jherro.
Jherro: Hi Bhext! Pumunta ako sa bahay niyo para bumisita kaya lang wala kayo. Saan ba kayo pumunta?
Grabe.. ang sama ko namang bestfriend.. di ako nakapag paalam sa kanya. Nagreply ako sa kanya kahit late na.
Me: Sorry bhext.. nasa Bicol kami ngayon. Pasensya na di na ako nakapagpaalam sayo.
Jherro: Ok lang yun. Kumusta naman dyan? Sinong kasama niyo?
Me: Yung bf ng dalawa at yung kaibigan nilang si Jeff. Di nga nakasama samin si Arianne kaya anim lang kami dito.
Jherro: Ingat kayo dyan bhext. Kelan pala ang balik niyo dito?
Me: Nandyan na kami before mag October 31. Attend tayo sa Halloween party ng school. J
Jherro: Sige ba. Go ako diyan. J
Me: Sige bhext.. J see you soon--- maliligo na muna ko.
Jherro: Sige bhext. J
Pumunta na ako sa cr para maligo after kong mabasa ang reply ni Jherro sakin.
Ian Jeff POV
Pagkauwi namin ay dumiretso agad si Jazz sa kwarto niya samantalang kaming lima ay nasa sala. Binuksan ko ang TV dahil ayokong tumunganga sa sweetness nitong apat na kasama ko, mas mabuti ng sa TV na lang ako maghanap ng pwedeng panoorin. Habang naghahanap ako ng nagandang palabas ay biglang may tumunog na cellphone kaya tiningnan ko kaagad ang sa akin pero wala namang message. Napatingin ako kay Mich na may hawak hawak na cellphone at mukhang sa kanya nga galing ang ringtone na yun. Magparehas pa rin pala kami ng ringtone. Tss.
"Sweetie.. I think we need to go back na to Manila.. darating sila Mommy ..kelangan na nating umuwi tomorrow. Ok lang ba Xander?", malungkot na tanong ni Mich.
"Sayang naman.. Hindi natin mapupuntahan ang Cagsawa ruins at Albay Park and Wildlife..", sambit ni Xander.
"What if maaga tayong pumunta dun bukas.. bago tayo bumalik sa Manila.", suhestyon naman ni Angelie.
"Pwede naman... Ayusin niyo na ang mga gamit niyo para bukas dire-diretso lang ang byahe natin. Dalhin na natin ang mga gamit natin papunta sa Cagsawa ruins at Albay Park and Wildlife..", pagsang ayon naman ni Xander.
"Okay .. punta na kong kwarto. Aayusin ko na ang gamit ko. Sasabihan ko na rin si Jazz.", ani ko at iniwan ko na sila sa sala. Pagdating ko sa harap ng pintuan ng kwarto ni Jazz ay kumatok ako ng tatlong beses pero di man lang niya binubuksan.
"Jazz! Pwede bang pumasok?", tawag ko sa kanya habang kumakatok. Pero wala pa ring sumasagot sa akin.
"Jazz...", muling pagtawag ko sa kanya ngunit bigo pa rin ako. Kaya naman pumunta na lang akosa kwarto ko para mag ayos ng aking gamit. Babalikan ko nalang ang kwarto ni Jazz mamaya pagkatapos kong mag ayos.
Minadali ko lang ang pag aayos ng gamit ko para mapuntahan ko kaagad si Jazz. Nang makatapos ako ay kumatok ulit ako sa kwarto niya.
"Teka lang...", rinig kong sambit niya. Narinig ko na ang mga yabag niya papunta sa pintuan at binuksan na niya ito.
"Anong kailangan mo?", bungad niyang tanong agad sa akin.
"Uuwi na raw tayo bukas. Kaya ayusin mo na ang mga gamit mo.", sagot ko agad.
"Ganun ba? Okay.", walang emosyong sabi niya habang sinusuklay niya ang buhok niya. "May sasabihin ka pa ba?", gulantang niyang tanong sakin.
"Ahmm... maaga raw pala tayong aalis bukas. Dadaan muna raw tayo sa Cagsawa Ruins at Albay Park and Wildlife bago bumalik sa Manila.", sagot ko sa kanya at umalis na ako sa harapan niya at pumasok na ulit sa aking kwarto. Nakinig lang akong music sa cellphone ko ng biglang may nagtext sa kin, ang babaeng matagal ko ng crush bago pa naging kami ni Denisse. Pero nahuli ako sa kanya dahil meron na siyang bf ngayon at nakikita ko namang masaya siya kaya masaya rin ako sa kanilang dalawa.
--
Binasa ko na ang message niya sa akin.
SIYA:== Hi Jeff! Sinabihan mo na ba siya? Nga pala may sasabihin sana ako sayo. This is a favor. If okay lang sayo.
"Ano naman kayang favor to?", ani ko sa sarili ko. Kaya nagreply naman ako sa kanya.
AKO:= Nasabihan ko na siya. Anong favor ba?
SIYA:==Make sure na gagawin mo. Promise?
AKO:= Oo naman. Basta ikaw.
SIYA:== Please court Jazz.. Bagay naman kayong dalawa at may tiwala ako sayo na hindi mo siya sasaktan.
"What the?", bulalas ko bigla. Nabigla talaga ako sa text niyang to.
AKO:= Are you serious? Panu kong masaktan ko siya? And besides wala naman siyang gusto sa kin.
SIYA:== Im serious.. May crush siya sayo.. Please court her.. Para naman may iba ka ng pagtuonan ng pansin. Hindi siya mahirap magustuhan Jeff. Alam kong mag wowork ang panliligaw mo. Believe me.
"Tss.. She's damn serious..", napakamot ako sa ulo ko. Gagawin ko ba o hindi? Nag-isip ako ng ilang minuto pero litong-lito pa rin ako kung gagawin ko ba ang favor niya.
SIYA:== Nakapagdecide ka na ba? Aasahan ko yan. I just to make her happy. 1month na lang ay birthday na niya. Take your time.
Ang isang Jazz Faye Mendoza ay nagka crush sakin? Di ako maka paniwala. Lagi nga niya akong sinusungitan at parang walangpakialam sa mga lalaki. Lumipas ang oras at nakatulog na lang ako sa pag-iisip kong liligawan ko ba siya o hindi.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Novela Juvenil*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...