Ian Jeff POV
Ako ang unang nagising sa kanila. Kaya naman ay pumunta na akong kusina para maghanda ng breakfast. Balak kong magluto ng soup para naman mawala ang mga hang over namin. Hinanda ko na ang mga ingredients at nagsimula ng magluto. Nagkape muna ako habang hinihintay ang pagkulo ng tubig. Nasamid ako ng lumuwa sa pinto ng kusina si Jazz.
"Aga mong nagising ah. Ok ka lang?", tanong niya sa kin habang nagtitimpla siya ng kape niya.
"Ok lang. Nabigla lang ako sa pagsulpot mo.", sabay higop ko sa kape.
"Anong niluluto mo?", tanong niya at umupo siya habang humihigopng kape.
"Soup." Tipid ko namang sagot sa kanya.
"Wow! You know how to cook?", hanga niyang tanong sakin.
"Of course Jazz. Baka pag natikman mo ang luto ko ay malilimutan mo ang pangalan mo.", sabay tawa ko.
"Ows!! Really?, Let's see", ngisi niya.
"Just sit Jazz and relax. Ipapatikim ko sayo pag natapos ko ng lutuin.", sabay tayo ko para tingnan kong kumukulo na ba ang tubig. Ng makita ko ng kumukulo ito ay inilagay ko na ang macaroni soup para palambutin. Nakita ko naman na nakatingin sa kin si Jazz kaya inasar ko siya.
"Stop looking at me Jazz. Baka matunaw ako sa mga tingin mong yan. Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong lalaki na marunong magluto?", tanong ko na ikinatawa niya.
"Nope.. I'm just amazed na ang isang tulad mo ay marunong magluto. Para kasing pang aasar lang ang alam mo eh.", pambabara niya sa kin.
"Nagkakamali ka Jazz. Marami pa akong kayang gawin na mas lalong ikakahanga mo.", sabay kindat ko sa kanya.
"Whatever Jeff.", sabay tawa niya.
"Just wait a minute Ms. Jazz, malapit na tong maluto.", saad ko. Linagyan ko na ng evaporada para matimpla ko na ito. Nilasahan ko muna kong okay na at bigla akong mapa ngisi ng tamang tama ang pagkakatimpla ko. Nilagyan ko na ang dalawang maliit na bowl ng soup.
"This is my special soup Jazz. Taste it.", ngiti ko sa kanya habang ibinibigay ko ang mainit na soup.
"Ang bango naman ng luto mo Jeff.", komento niya at unti unti na niyang tinikman ang luto ko.
Umupo na ako kaharap niya at nagsimula ng kumain din.
"What can you say Jazz", tanong ko habang titig na titig ako sa mukha niya.
"Wow! This is my best soup ever! Ang sarap..", komento niya na di maitago sa mukha niya ang maging masaya.
"Thanks for the compliment Jazz", sambit ko sakanya.
"Small things", then she laughed. "San ka natutong magluto?", tanong niya sakin ng nakatingin.
"My parents.", tipid kong sagot.
"Chef ang mga parents mo?",
"My mother is a chef and my father is a businessman. Mahilig lang rin talaga si Dad na magluto pag di siya masyadong busy,", kwento ko naman.
"I see. Namana mo pala sakanila ang pagkahilig sa pagluluto.", sambit niya.
"Yap. Bonding moment na rin namin yun kapag day off nila. What about your parents?", tanong ko naman sa kanya.
"They are both in business world. Nasa South Korea sila ngayon.", sagot niya at nawala ang mga ngiti niya kanina.
"Why are you sad now?", pag-aalala ko.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Novela Juvenil*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...