Kabanata 22

7 1 0
                                    

Ian Jeff POV

"This is your biggest day Ian Jeff de Guzman. Kelangan gwapo ka.", pagkausap ko sa sarili ko sa salamin habang nag aayos ako. Kinindatan ko ang sarili kong makita ko na ang perfect kong mukha. Bwahahaha.. Wag na kayong kumontra.

Nagreready kami ngayon dahil aattend kami ng Halloween party sa school nila Jazz. Kaya heto ako ngayon, naghahanda dahil ipapaalam ko sa kanya na gusto ko siyang ligawan. Syempre dapat gwapo akong haharap sa kanya.

"Dude! Tara na! On the way na raw sila sa school nila.", pagtawag sakin ni Xander.

"Oo! Palabas na ko.", sigaw ko naman.

Sinipat ko ulit ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Paglabas ko ay palabas na rin ang kotse ng dalawa kaya naman sumakay na ako sa kotse ko rin. Binaybay ko na ang daan patungo sa GCU at habang nagdadrive ay ihinahanda ko na ang sarili ko sa sasabihin ko kay Jazz.

Ipinark ko na ang kotse ko at nakita ko naman ang dalawa malapit sa gate.

"Asan daw sila?", bungad kong tanong kay Xander at Vincent.

"Nasa may BloodCoffee booth daw sila. Hanapin na natin.", aya ni Xander. Kaya naman pumasok na kami at hinanap ang booth na yun. Nakita naman agad ni Vincent ito at hinanap ko naman agad si Jazz sa mga table na naroon.

Nakita ko nga siya at katabi nito yung bestfriend niyang si Jherro. Nang makalapit na kami ay pumunta naman kaagad yung dalawa sa girlfriend nito. Kaya naman tumabi ako sa katabing upuan ni Jazz, napagitnaan namin ito ni Jherro.

"Pagsabihan mo nga yung ex mo Ian. Makakatikim na talaga siya sakin.", bungad naman agad sa akin ni Arriane.

"Pasensya na sa sinabi niya. Kakausapin ko siya pag nakita ko siya sa school.", sagot ko naman kay Arriane. "Sorry Jazz sa sinabi niya.", baling ko naman kay Jazz.

"It's okay. Wala ka namang kasalanan.", sagot niya sabay ngiti sakin. Kaya naman nginitian ko siya pabalik.

"Nga pala guys. Saan niyo gustong pumunta pagkatapos natin dito sa BloodCoffee booth?", tanong naman ni Angelie kaya tiningnan ko agad si Vincent at tinanguan ito.

"May Horror house ba dito? Punta tayo dun. Gusto ko lang ma experience.", sabay tawa ni Vincent.

"Meron naman sweetie. Ok ba sainyo yun?", tanong naman ni Mich sa amin.

"Kayo na lang. Ayoko dun.", sagot naman agad ni Jazz.

"Eh di, hindi na rin ako sasama.", sambit ni Jherro. Langya naman to. Panira ah.

"Sumama ka Jazz.", baling ko sa kanya na ikinataas naman niya ng kilay. Magsusungit nanaman to panigurado.

"Why would I? Kung gusto mong sumama eh di sumama ka sa kanila.", masungit niyang sabi.

"May kaylangan ka pang bayaran sakin. Remember?", ngisi ko sa kanya at napa isip siya sabay kunot ng kanyang noo.

"Sumama ka samin. Yun ang magiging kabayaran mo sa ginawa mo sakin.", linawakan ko pa ang pagkakangisi ko ng makita ko ang pagkaasar niya sa kanyang mukha.

"Fine!", angil niya sakin na ikinatawa ko.

"Panu ba yan Jazz. Kelangan mong sumama.", bulong naman ni Jherro sa kanya na rinig ko naman. At mukhang nag aalala ang tono ng lalaki. Napatawa ako sa loob loob ko dahil takot nga si Jazz sa horror house, ang problema ko na lang ay kung paano ko siya makakasama na siya lang dahil malamang sa malamang ay laging nasa tabi niya ang bestfriend niyang si Jherro. Wala akong problema kay Arriane dahil mukhang wala naman tong kinakatakutan.

The Heartbroken Girl Met The Heartbroken BoyWhere stories live. Discover now