Jazz POV
Lumipas ang mga araw at nag end na rin ang aming Intramurals. Pero sa bawat paglipas ng araw hindi pa rin tumitigil sa pangungulit at pang aasar sa akin si Ian Jeff. Pumunta sila noong isang araw kaya nagkulong ako sa kwarto para hindi niya ako makita kaya naman pag-uwi nila ay dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina dahil sa gutom. Badtrip talaga ang isang yun kahit kelan.
At simula na nga ng semestral break namin at heto kami ngayon nag eempake para sa vacation trip. Ang kinakainis ko pa ngayon ay hindi makakasama si Arriane dahil tinawagan siya ng Daddy niya dahil na ospital ang mommy niya. Lumipad agad siya papuntang Korea. Magiging impyerno ata ang buhay ko sa vacation trip na to dahil sa Ian Jeff na yun.Haistt!.
May narinig na kaming bumusina sa labas. Tamang tama, tapos na rin akong mag empake.
"Jazz! Andito na sila! Tapos ka na ba?", tawag sa akin ni Angelie mula sa labas.
"Oo na.! Tapos na! Bababa na rin ako.", sigaw kong sagot sa kanya. Lumabas na ako sa kwarto pero nagulat ako sa taong nasa harapan ko. 'Ian Jeff?'.
"Hi Ms. Sungit!", bati niya sa akin habang naka ngiti. "Akin na yang maleta mo. Ako na ang magdadala", sabay kuha niya sa akin ng maleta ko. Pero inagaw ko ulit.
"Wag na ... kaya ko na to'.", pagpigil ko sa kanya.
"No! I insist Jazz. Ako na ang magdadala.", agaw niya ulit sa akin. At dumiretso na siya sa labas.
Wala narin akong magawa kaya naman sumunod nalang ako. Paglabas ko ay nasa loob na silang lahat ng van. Nasa unahan si Xander dahil siya ang magda-drive kaya katabi niya naman si Angelie. Sa likod naman nila sila Mich at Jan Vincent at sa likod naman ng dalawang love birds na to ay si Ian Jeff at ang nag – iisang bakanteng upuan sa tabi niya dahil yung ibang bakanteng mga upuan ay puno nan g mga gamit namin. No choice ako ngayon, kaya sumakay na ko sa van at tumabi kay Ian Jeff.
"Akala ko, tutunganga ka na lang dun sa labas", sambit niya pagsakay ko.
"Ewan ko sayo..Pwede ba tigil tigilan moko sapang aasar mo!", sigaw ko sa kanya.
"Fine.. Zip muna ang bibig ko ngayon", pagsuko niya habang ngiting ngiti siya.
"Good.", at tumingin na ako sa unahan pero nakatingin naman yung apat sa amin ni Ian Jeff. "What?" tanong ko sa kanila.
"Para kayong aso't pusa." Sagot ni Angelie. "Start mo na Hon. Para maaga tayong makarating dun.", baling niya kay Xander.
Bumyahe na nga kami at yung dalawa sa unahan ay napaka sweet sa isa' isa. Sinusubuan niya si Xander para raw lagging may energy sa pagda drive. Sila Mich at Jan Vincent naman ay sweet na sweet na natutulog. Nakahilig si Mich sa dibdib ni Jan Vincent at siya naman ay sa ulo ni Mich. Ito namang katabi ko ay nakasilip lang sa bintana , buti na lang hindi na siya nangungulit.
Hinanap ko na ang earphone ko sa aking bag, makikinig ako ng music para makatulog ako. Hindi kasi ako nakakatulog agad kapag wala akong naririnig na music. Ilinagay ko sa tenga ko ang earphone at nakinig na ng music. Ipinikit ko na nga ang mga mata hanggang sa makatulog ako.
Ian Jeff POV
Nabigla ako ng biglang humilig sa aking balikat ang ulo ni Jazz. Napangiti ako sa kanyang tinuran. 'Ang bilis niya namang makatulog.Tss. Ang amo ng kanyang mukha pag tulog. HAHAHAHAHA.. sana pala lagi ka na lang tulog.' Bulong ko sa isip ko. Pinabayaan ko ang ulo niya sa balikat ko. Pinagmasdan ko na lang siya habang natutulog siya. Ihinilig ko rin ang ulo ko sa ulo niya at umidlip ako.
Naalimpungatan ako ng biglang huminto ang sasakyan namin, ngunit tulog pa rin si Jazz. Tiningnan ko ang relo ko, '11:30 na? Lunch na pala'. Nag – aya na sila Xander na kumain sa loob ng mall. 'Nasa Laguna na pala kami'. Bumaba na nga sila Angelie, Xander, Mich at Jan Vincent.
"Gisingin mo na si Jazz dude. Para sabay sabay na tayong pumasok sa mall. Gutom na ko", pagmamaktol ni Jan Vincent.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Yinugyog ko sa balikat si Jazz pero hindi pa rin siya nagigising. Napatingin ako sa dalawang babae at nagtanong.
"Paano ko ba to gigisingin? Tulog mantika pala to eh.",
"Mahirap talaga yang gisingin. Hindi namin yan ginigising baka mapunta sa mukha namin ang unan niya. HAHAHAHA..", sagot ni Angelie sabay tawa.
'Ano ba yan. Paano ko ba siya gigisingin?Kung pingutin ko kaya siya sa ilong?'. Piningut ko nga ang ilong niya at bigla nga siyang nagising pero dumapo naman ang palad niya sa pisngi ko.
"ARAY! ANO BA?! BA'T KA BA NANANAMPAL?", biglang sigaw ko sa kanya. At yung apat naman ay tawa ng tawa na parang wala ng bukas. Napahamak ako sa babaeng to ah.
"BA'T MO BA KASI AKO PININGOT?", sigaw niya rin sa'kin.
"EH KASI NAMAN KANINA PAKITA GINIGISING HINDI KA GUMIGISING DYAN!", balik kong sigaw sa kanya.
"EH DI SANA HINDI KA NAMINGOT! INIWAN MO NA LANG SANA AKO DITO!", sigaw niya parin sakin.
"Hoy! Kayong dalawa dyan hindi na ba kayo titigil sa kakasigaw diyan? Grabe kayo , magkatabi lang kayo ha! Bumaba na kayo diyan at nagugutom na kami!", sigaw sa amin ni Angelie at tumalikod na silang apat para pumasok sa mall.
Bumaba na si Jazz sa van at dire-diretsong naglakad papasok sa mall. 'Hindi man lang ako hinintay. Tss. Ang sakit namang manampal ng babaeng yun.' Hinimas himas ko ang pisngi habang papasok sa mall. Nasa loob na sila ng MANG INASAL? 'Whoah! Ganyan sila ka gutom? UNLI RICE nanaman to.' Pumasok na rin ako at umupo na. Nasa harap ko nanaman si Jazz at nakasimangot. Ang sama ng gising niya ha. Napangiti nanaman ako. Bigla siyang tumingin sa akin kaya naman tumingin ako sa kabilang side. 'Siguro nakokonsensya na siya sa pagsampal sakin.HAHAHAHA', pagtawa ko sa isip ko.
Ilang sandali ay dumating na ang order naminkaya naman nagsimula na kaming kumain.Wala man lang sa aming nag – iingay.Sobra ata ang gutom nila kaya ayaw nilang mag – ingay. Hinayaan ko na lang kayanagpatuloy na ako sa pagkain ko.
YOU ARE READING
The Heartbroken Girl Met The Heartbroken Boy
Teen Fiction*When a girl had her heart broken, matututunan rin nilang magpatawad, pero hinding hindi nila makakalimutan ang sakit na sinapit niya sa taong minahal niya ng lubos. *When a boy had his heart broken, they feel so much pain and agony. Hindi nila alam...