chapter 1 most embarassing moment

79 3 0
                                    

ART'S POV

Hi po! I'm Sweetheart Lopez.

Yup! Sweetheart nga ang pangalan ko, kasi feb.14 ako ipinanganak, kaya sila mama at papa di na nag-isip pa ng ibang pangalan.. hehehe!!! Di man lang nag-effort.. 😔

Anyways, 16 years old, Grade 11, average student. Tamang sipag lang, minsan di maiwasang tamarin sa pag aaral pero kinakaya naman kahit paano whew!

And yes! 2 years na lang graduate na ako! Hopefully, tiwala lang kay Lord! Amen!

Kaya dapat medyo focus na ko sa pag-aaral, alam nyo na,,

At saka, nangako ako kila mama na pagbubutihin ko, mataas kasi ang pangarap nila for me kaya pinipilit kong maging mabuting estudyante, syempre gusto ko rin namang maging proud sila sakin. Unica hija kasi ako hindi naman spoiled, medyo lang. pero mabait naman ako eh..

(Naks! Nabuhat ng sariling bangko.)

First day of school

Akala ko mahihirapan akong maghanap ng room kaya inaagahan ko na ang pagpunta sa school. Yun nga lang mukhang sobrang Napaaga naman ng dating ko, kaya ayun, tambay muna sa building namin habang nag-aantay sa orientation, or welcoming, basta yun.

Kkkkrrrrrriiiiiiinnnnnngggggggg!!!!!!!!

Ayan na, simula na uli ng pasukan, kanina pa ako tumitingin kung may mga kakilala ako pero wala pa. Minsan nahihirapan ako sa ganito, yung ang daming tao tapos maingay, introvert kasi ako, mas gusto ko sana tahimik.

May mga familiar faces, pero di ko naman ka-close.

Don't get me wrong, hindi ako suplada, hindi lang talaga ako madaling magtiwala sa iba. Yun bang pili lang din ang kaibigan.

Pero yung mga kaibigan ko na naearn yung trust ko, sobrang mahalaga sakin..

Ano yun? Ba't parang may nagkakagulo sa baba? Napatigil ako sa paglalakad, makikimarites lang hihi.

Ah kaya pala, may isang guy na nakatalikod na pinagkakaguluhan ng mga students and by the looks of it mukhang transferee ito.

Mas matangkad sya sa nga average boys sa school at kung pinaliligiran sya ng mga girls, ibig sabihin gwapo.. hm.... ~,0

Ano ba naman tong mga schoolmates ko,

Ngayon lang nakakita ng lalake!?

Hehehe! Para kasing kakain ng tao eh. -,-"

"Aaayyyyy!!!"

Dug dug dug dug dug dug!!!

"Aray..."

Ang sakit ng pagkakabagsak ko ah! May bumangga sakin galing sa likod kaya di na ako nakahawak sa railings ng hagdan.

"Miss, sorry" sabi nung dalawang babaeng naka bangga sakin

Mukha namang di sila sincere sa pagsosorry eh! Ni hindi nga ako tinulungan makatayo!

Hmp! Dirediretso sila dun sa lalake..

'Hay naku! Pasalamat kayo di ako palaaway kundi paktay kayo sakin'

Mga bruha! }:p

Oops!

Saka ko lang napansin, lahat sila biglang natahimik, nakikiramdam kung ano ang gagawin ko.

Feeling ko lahat ng mata nakatingin sakin. Oo nga pala, ang pangit ng pagkakabagsak ko, picture this, paupo akong nahulog sa hagdan tapos yung ilang steps nagdug-dug-dug yung pwet ko tapos pabukaka pa salampak ko sa sahig.

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon