chapter 16 maling akala

20 1 0
                                    

ART'S POV

Eros?

Bakit sya andito?

Kung kanina sobrang kinakabahan ako, ngayon mas lalo atang nadoble yung kaba ko. Hindi kaya sya si...

"E-eros, a-anong ginagawa mo dito?" Nasabi ko ba ng tama? Pakiramdam ko buhol-buhol na mga sinasabi ko. Sya nga kaya?

"A-ah eh.. ano.. w-wala. Nagpapahangin lang.." -eros

I heard him sigh..

"Ikaw? Ba't andito ka?"

Paano ko ba sasagutin yung tanong nya? Kinakabahan ako, akala ko sya si torpe, hind naman siguro coincidence lang na pareho kaming andito diba? Na andito si eros sa lugar na sinabi ni torpe magkita kami diba? Assuming na kung assuming, bakit ba?

"Ah.. m-may ano kasi,.. yung ano.. ano ba yun?"

Narinig kong natawa sya ng mahina, and then I look at him, syete! Ang gwapo nya talaga ngumiti, mas lalo pa atang nakadagdag sa kagwapuhan nya yung angulo ng liwanag. Basta parang medyo magical. di ko na namalayan nakangiti na din pala ako. Parang ice breaker, yung hiya at kaba ko, biglang nawala.

"Art, you look very beautiful tonight, para kang prinsesa."

O/////O

Ano daw?! Eee!!! Nakakainis to! Pakiramdam ko lahat ng pwedeng mamula sakin, namula na sa sobrang kilig..

"Hmp! Bolero!"

"Hindi nga, cute mo nga eh!"

"Sige, bolahin mo pa ko, masarap sa tenga!"

"Tsk! Ayaw maniwala.."

Silence....

Parang may dumaang anghel, tumahimik nanaman yung paligid,

"You know what? I know why you're here.." -eros

Napalingon ako sa sinabi nya, hala eto nanaman yung kaba kanina, bumalik uli!

"H-ha?"

"Makikipagkita ka kay torpe diba?"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya, pano nya nalaman? Hindi nga kaya?

"W-well, he's here..." he clears his throat first, habang tinitingnan ko sya, sobrang namumula din yung mukha nya, ano na?! Nakakabitin ha?!

"H-his in fr--"

Naputol yung sasabihin ni Eros nang out of nowhere, may isang bulto na lumapit samin.

"Eros, andito ka lang pala! Kanina pa kaya kita hinahanap."

"Princess?" -eros

Pareho kaming natigilan ni Eros, I looked at him puzzled, si princess? Bakit sya andito? Akala ko... akala ko.. pakiramdam ko sasabog dibdib ko. I felt betrayed.

"Lika na, balik na tayo sa hall. Sayaw na tayo." -princess

Kung meron mang nabubuhay na taong ahas, malamang isa to sa mga kalahi nun, kung makalingkis sa braso ni eros wagas eh! Pero teka bat wala akong ginagawa? Nakatingin lang ako sa kanila looking and feeling stupid.. si Eros naman mukhang nagulat din. Di malaman kung paano tatanggalin yung braso nung babaitang yun sa kanya.

"Princess, w-wait.. nakainom ka ba?" -eros, mukhang iritable na ito sa ginagawa ni princess. Kahit anong pilit niyang kalasin yung pagkakakapit nito sa braso nya ay hindi sya magtagumpay.

"Whatever, sayaw tayo.." -princess, lalo pang syang lumapit kay Eros na parang gusto pa nyang makaexperience ng halik mula dito.

"P-princess, a-ano ba?" -eros

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon