MONALIE'S POV
"ok class, bukas ay friday that means field trip na natin, dont forget it! yung permission letter galing sa parents nyo, make sure na maipapasa nyo sakin ok?" -ms. roa
"yes ma'am!" actually sa sobrang excited namin, di na namin talaga naintindihan yung sinasabi ni ma'am.
"oy, ready na ba kayo?" -myla
"yup!" -me *_*
Nakaready na lahat ng dadalhin ko, pati kukutkutin.
"excited much!" -sammy
sila karl din at eros kasama. i wonder kung kasama din si torpe. so tinext ko sya kung sasama din ba sya.
torpe: yup! excited na nga ako eh! hehehe
pauwi na kaming tatlo nila myla at sammy. halos iisa lang ang way namin kaya lagi kaming sabay umuwi. napansin kong nabubulungan silang dalawa..
"sabihin mo na kasi.." narinig kong bulong ni myla kay sammy,
"sabihin ang alin?" tanong ko
"ahm, art, wala ka ba talagang gusto kay karl?"
huh? muntik naman akong matawa kay sammy. bat naman nya naitanong yun?
"wala. kaibigan ko lang yun. bakit?"
"kasi.. bukas.. ano.."
"ano? nakakabitin ka naman!"
"bukas sasabihin ko na kay karl na gusto ko sya."
"what!?" eh bat sya ang unang magsasabi? sa bagay kung aantayin nya pa si karl, baka anong petsa na di pa yun magtapat.
"baka kasi magalit ka eh.."
"nye.. bakit naman ako magagalit? okay lang yun no?! goodluck! kaya mo yan!" i cheer her up kasi hindi madali yung umamin ng nararamdaman sa crush mo.
"thanks!"
MYLA'S POV
nagpaalam na kami kay art, mula dito, iba na yung daraanan nya. kaming dalawa na lang ni sammy ang magkasama. kung kanina masaya yung ambience, ngayon walang umiimik saming dalawa..
"ahm sam, sigurado ka na ba?"
"mlys, alam mo naman na matagal ko nang tinatago ito diba?"
"eh paano kung hindi maging maganda yung kalalabasan? alam mo naman kung sino ang totoong gusto ni karl diba?"
"i know.."
matagal nang may gusto si sammy kay karl, ang totoo kaya nga naging malapit sya samin ni art kasi gusto nyang makipagkilala kay karl. ewan ko ba dito! alam nya nman na may gusto nang iba si karl pero hindi pa maghanap ng iba. sa bagay, mabait naman si karl, medyo makulit lang din talaga.
hay, pag-ibig nga naman!
"basta, anuman ang mangyari, bestfriend pa rin tayong tatlo ha?" -me
"oo naman.. sana..."
SAMMY'S POV
alam ko suntok sa buwan yung gagawin ko,
ewan ko ba kay karl! mas maganda naman akong di hamak kay art.. hindi sa nagmamayabang ako no!? pero marami talagang nagsasabi na sa aming tatlo ako ang pinakamaganda..
siguro ang masasabi ko lang na lamang nya sakin eh, madali syang makagaanan ng loob, nakakaya nyang pagaanin yung mga sitwasyon na ang hirap lusutan. Naaalala ko pa nung unang magkakilala kami, syepre ready to fight ang beshy nyo dahil akala ko talaga karibal sya sa pag-ibig. Pero ang gaan nya kasi kasama. Parang walang bad bone sa katawan nya. Di ko na namamalayan na nag eenjoy na rin ako na kasama sya. At narealized ko na di talaga sya kagaya ng naiisip ko. at saka, kahit alam kong kakompitensya ko sya kay karl, hindi ko naramdaman na iba yung naging turing nya sakin. alam ko genuine yung friendship namin.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)
Teen Fictionshe likes him, he secretly likes her too. the problem is he's torpe! his solution to that is to create another him.. paano kung ang crush mo, eh crush ka rin? kaso torpe sya masyado!? aantayin mo pa ba syang magtapat sayo o uunahan mo na syang magt...