ART'S POV
Isang linggo na ang nakalilipas after nung, well, ginawa kong pag-amin kay eros. Actually para ngang lalamunin na ko ng lupa sa sobrang kahihiyan eh. After nun di na kami mag-usap pa. Pano ba naman kasi, kahit sinabi ko na sa kanya na gusto ko sya, ayun, sinundan nya pa rin si sammy. Mula nun, umiwas na ko sa kanya, o sya yung umiwas sa akin. O baka pareho kami. Ewan ko ba. Buti na lang malapit na matapos ang school year.
"Hi sweetie! Ang lalim nyan ah!"
Napatingin ako sa nagsalita. Si karl pala, di ko namalayan na nakalapit na pala sya.
"Elo! Kanina ka pa ba dyan? Anong malalim?"
"Yung iniisip mo. Di mo napansin na nakalapit na ko eh."
"Sorry naman, hehehe."
Si karl na lang yung lumalapit sakin, or should I say, sya na lang yung hinahayaan kong makalapit sakin. Di naman sa ayokong makihalubilo sa iba pero... parang ganon na nga. Kahit sila myla o kahit yung mga simpleng kakilala lang. Di naman sa ayokong ma-op (read: out-of-place)
Ayoko lang siguro munang makipag-usap kahit kanino."So, san tayo?" -karl
"Ahm, karl medyo masama pakiramdam ko, pwede uwi na tayo?"'
Nakasanayan na kasi namin tumambay, maglakad-lakad bago umuwi kaso ewan ang gloomy ng pakiramdam ko ngayon.
"Why? May lagnat ka ba?" Sabay salat sa noo ko, halata sa kanya na concern sya sakin. Di naman sinasadyang nasense ko na may nakatingin samin.
Oops! Di nga ko nagkamali. Guess who?! Si eros nakatingin sa amin, and by the look of it mukhang badtrip sya parang may madilim na aurang nakapaligid sa kanya. Nyay! Nakakatakot! Para tuloy bigla akong napaso sa hawak ni karl.
"O-ok lang ako, gusto ko lang sigurong magpahinga. T-tara na."
Nauna na kong maglakad kay karl, di ko matagalan yung presence ni eros, parang gusto kong tumakas sa sitwasyon na yun. Feeling ko nakasunod pa rin yung tingin nya saamin.
**********
Kanina pa ako paiba-iba ng pwesto para makatulog kaso di ako mapakali eh. Di maalis sa isip ko si eros kanina. Hay! Ayoko na! Wala naman akong ibang makausap. Napatingin ako sa phone, hmmm.. kilala ko na si torpe pero nakakamiss sya katext eh.
Me: hi torpe!
----- walang reply---
Me: musta na? Sensya kanina ha? Di talaga maganda pakiramdam ko.
----.wala talagang reply----
Anu ba yan? Kahit sana bilang karl, nagtext pa rin sya.
Me: torpe, miss na kita!
Malapit na magmidnight pero di pa rin sya nagreply kahit isa lang. Makatulog na nga! Malate pa ko sa school bukas! Hmp!
**********
EROS' POV
Nagulat ako nung magmessage si art sakin. Halo-halo yung pakiramdam. Andun yung saya na nagmessage sya, at andun din yung lungjot kasi alam ko na si karl na ang naiisip nya sa tuwing nababanggit nya si torpe.
Rereplyan ko ba sya? Nagtatalo yung sarili ko, may part na gusto ko na syang replayan, may part na ayaw.
*toot* *toot*
Art: torpe, miss na kita!
Parang biglang bumuhos lahat ng kinimkim kong emotions mula nung huling pag-uusap namin. Dapat ba di na lang ako umalis sa tabi nya? Confirm, inamin nyang gusto nya ako. Right at that very moment, gusto ko na syang yakapin, icomfort. Pero umiiyak si sammy at alam namin yung dahilan. Kung mananatili ako sa tabi ni art nung panahon iyon, mas lalong bababa ang self esteem ni sammy. Na kay art na nga naman si karl, pati ba naman ako iiwan pa sya? Mula nun, ilang beses na syang umiwas sa akin, pati sa mga kaibigan nya, parang nagkaroon ng isang invisible barrier na nakaharang sa amin. Inilayo nya na yung sarili nya at ang masakt, si karl na lang ang hinayaan nyang makalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)
أدب المراهقينshe likes him, he secretly likes her too. the problem is he's torpe! his solution to that is to create another him.. paano kung ang crush mo, eh crush ka rin? kaso torpe sya masyado!? aantayin mo pa ba syang magtapat sayo o uunahan mo na syang magt...