chapter 9.1 kakaibang christmas gift

36 1 0
                                    

ART'S POV

malapit na ang christmas! busy na ang school para sa paghahanda. kanya-kanyang decoration ng classrooms..kasi ang top 3 ba pinakamagandang designs may premyo.. si Eros tuluyan na akong dinedma, nakikipaghang-out naman din sya samin kaso halata namang sila lang ang kausap nya.. dapat pala sinunod ko yung payo ni myla na umamin na, natatakot akong baka di nya ako pansinin, eh ngayon na di ako umamin, ganon din eh..

tutal magki-christmas naman na, ano kaya kung bigyan ko sya ng gift? kaso obvious pag sya lang ang binigyan ko, pano sila karl? at sammy? at myla?

(-_-")

masyadong mahal.. hehe...

ano kaya kung exchange gift?

eh pano kung hindi sya ang mabunot ko?

(-_-")

ang hirap mag-isip...

pakiramdam ko natutuyuan ako ng utak...

naku! si torpe pa nga pala!

baka sakaling magkita na kami, kailangan may gift din ako sa kanya... ang daming dapat bigyan ng regalo!

ano kaya ang pwede kong iregalo kay torpe? ang daya nito! sya maraming alam sakin, ako walang kaalam-alam sa kanya...

matext nga..

me: hi torpe!

pagkasend ko, may narinig akong phone na tumunog malapit sa akin, pagtingin ko si eros pala,. napatingin sya sakin kaya mabilis akong nagbawi ng tingin, baka sabihin nya tsismosa ako..

torpe: hi! miss me?

me: yup! hehehe! alam mo matagal na tayong magkaibigan pero di ka pa nagkukwento ng tungkol sa sarili mo, magkwento ka naman..

wala na ako ng narinig na tumunog na phone.. akala ko umalis na si eros, pagtingin ko uli, andun pa rin sya.. napatingin uli sya sa akin. shit! nakakahiya! binalik ko uli yung tingin ko sa phone ko. ang tagal naman magreply ni torpe!

torpe: don't tell me, bibigyan mo ko ng gift para sa christmas!?

o.O

nakakainis! nahulaan nya.. anu ba yan!? gusto ko nga surprise eh!

me: nakakainis ka! ba't hinulaan mo kasi!? gusto ko nga surprise eh! ayoko na! hindi na kita bibigyan ng gift!

naiinis ako, pakiramdam ko mababasag yung screen ng phone ko sa sobrang diin ng pagta-type ko.. nakakainis naman kasi eh!

"bahala ka sa sarili mo! hindi na kita bibigyan ng regalo!"

sa sobrang inis ko nasigawan ko yung phone ko.. shit! naging unaware ako sa mga taong nakapaligid sakin.. and worst! sa peripheral vision ko, nakita ko si eros na nakatingin sakin, mukhang nagulat din to sa reaction ko.. nakakainis talaga!

"s-sorry..." sabay takbo ko sa baba, hindi ko alam kung kanino ako nagsorry o kung bakit ako nagsorry.. basta gusto kong mawala sa scene na yun..

paano na yan? ilang araw na lang Christmas vacation na, kung kanina isa lang ang pinuproblema ko, ngayon dalawa na, paano ako makakaisip ng regalo kay torpe?

*toot* *toot*

torpe: galit ka ba? sorry.. hindi ko naman alam na yun pala ang nasa isip mo eh..

(-.-")

me: ok lang, nahihirapan lang ako mag-isip ng ireregalo sayo. ayaw mo pa kasing magpakita eh!

torpe: yaan mo, malapit na, promise!

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon