chapter 18 selosan, gamitan

11 1 0
                                    

SAMMY'S POV

"Sam ok ka lang?" -myla

"Hindi myla, hindi ako ok. Kita mo naman sila kanina diba? Si karl halos di ako matingnan sa mata. Si art parang walang pakialam. Hello?! Wala ba silang pakiaalam sa nararamdaman ko?!"

Halos maghysterical na ko sa sobrang sama ng loob. After naming maghiwalay nila art naghanap kami ng lugar na walang tao para dun magbuhos ng sama ng loob kaya eto andito kami sa park ngayon.

"Intindihin muna natin si art. Excited lang sya na nalaman nya na at last kung sino si torpe. Bestfriend natin sya, kilala natin sya, di yun mananakit ng-"

"O my God! Diba, diba sila ni torpe? Ibig sabihin sila na din ni karl! Best anong gagawin ko? Diba kami ni karl. Di ba yun naisip ni art. Ano ba namang klaseng bestfriend sya?!"

"Wag ka ngang maparanoid?! Hindi nya gagawin yun."

"Myla diba may number ka ni eros?"

"O ngayon?"

"Dali tawagan mo, sabihin mo attend sya sa birthday ni art."

"Ano ka ba mamaya magkagulo eh."

"Hindi yan. Si Eros talaga gusto ni art kaya magbabago ang isip nya about sa kanila ni karl."

"Hay naku, bahala ka na nga!"

EROS'S POV

"Sam, umiyak kaba? Namamaga mata mo."

"Ha? Wala to, tara na." -sammy

Tinawagan nila ako kanina para umattend ng birthday ni art. Ayoko sana kasi di pa ko makaget-over sa nakita ko kagabi kaso di ko din naman matiis na di ko sya makita. Nagdala na rin ako ng gift at cake para di naman ako mukhang gate-crasher.

Habang nasa sasakyan kami, sobrang tahimik nung dalawa, nakakapanibago kasi madadaldal tung mga to eh. Lalo na si myla. Hindi tuloy ako mapakali. Pakiramdam ko libing ang pupuntahan namin instead na birthday eh.

Pagdating namin sa bahay nila art. andun na si karl. Yup, si karl nanaman.

"Happy birthday art."

"Salamat, nag-abala ka pa. Sige upo muna kayo." -art

Ano ba talagang meron at parang iwas sila sa isat-isa? Ako lang ba o talagang tensyonado ang eksena ngayon?

"Art, di mo ba sasabihin kay Eros yung surprise mo samin?" -sammy

"H-ha?!" -art

"Diba kilala mo na kung sino si torpe? Sabihin mo na." -sammy

Bigla akong kinabahan, alam nya na kung sino ako. Kaya ba parang mga galit sila kasi pakiramdam nila niloko ko sila? Naku patay na! Pagtingin ko kay art, umiwas sya tingin sakin. Galit ba sya?

"Art, I can explain this. Hindi ko naman sinasadya na-"

"Art, bat ayaw mo magsalita? Sige kung ayaw mo ako na lang. Alam mo ba Eros na si Karl pala si torpe. Nakakagulat noh?" -sammy ramdam ko yung sarcasm sa sinabi nya.

"What!?"

"Yup! Si Karl si Torpe." -myla

Ano bang kaklokohan to?! Paanong magiging sya si torpe kung ako si torpe?! Kung sya si torpe sino pala ako?!

"Hindi pwede, hindi sya pwedeng maging si karl. Karl bakit ka nagsisinungaling?"

"Eros tama na, sya si torpe, inamin nya na sakin." mahinahong sabi ni Sweetheart

"Inamin? Yun lang naniwala ka na agad?!"

Tiningan ko si karl, actually di sya makatingin ng diretso sa amin, halatang guilty. Pero mukhang walang balak umamin.

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon