KARL'S POV
Ilang araw na kong di makatulog. Oo masaya ako kasi yung undivided attention ni Art eh nasa akin. Pero bakit parang di pa rin ako masaya? Ang sakit na binibigyan nya lang ako ng halaga ngayon dahil akala nya ako si Torpe. Alam ko mali na hindi ko itinama ang pag aakala nyang ako ang katext nya pero at that moment, alam kong yun na ang pagkakataon ko. Na mapansin nya rin ako. Pero bakit parang hindi naman ako masaya.
Hindi ako makatingin sa mga taong itinuring kong kaibigan, kay Myla, kay Eros, na alam ko naman na talagang gusto ni Art, Kay Sammy na alam kong pinakanasasaktan sa nangyari.
Ewan ko ba, laging bumabalik sa alaala ko yung huling usap namin. Ewan kung usap ba talaga yun. Ayaw nya na raw. Sinukuan nya na ko. Ewan pero medyo masakit. Parang nasanay na ata akong kahit anong kagaguhan ang gawin ko, andyan pa rin sya sa tabi ko. Kaso wala eh, napagod na sya.
Kailangan ko muna sigurong maglakad lakad. Para malibang, mall na lang siguro.
Shit naman! Sa dinami dami ba naman ang pwedeng makita, itong taong to pa!
"pre," bati ni Eros
Di ko na sana sya papansin at magkukunwaring iiba ng daan kaso ang hirap, halatang umiiwas ako pag nagkaganun.
"pre" yun lang ang nasabi ko.
Nakakatensyon naman ang paligid, di mo alam kung anong susunod na mangyayari. Pareho kaming walang imik. Basta nakatayo lang kami, walang gustong gumalaw o umiwas ng daan
"Mag-isa ka ata, di ko kasama si Sweetheart?" tanong ni Eros.
"ah, hindi. May dinaanan lang ako dito. Pauwi na nga ako eh, sige ha? Kita na lang tayo next time" pilit kong sabi para makaiwas. Mula nung maging close kami lalo ni Art, pinilit ko nang iwasan sila Eros. Alam ko naman na di rin sya naniniwalang ako si Torpe.
Aalis na sana talaga ako pero bakit parang ang bigat ng mga paa ko. Nakakailang hakbang palang ako palayo ay parang pinipigilan na akong umabante palayo. Ano ba to?
"pre, usap tayo." mga salitang bigla na lang lumabas sa bibig ko. Gusto ko ba talagang makipag usap? Gagi!
"sige pre." sagot naman ni Eros bagaman natagalan sya sumagot. Siguro iniisip nya rin kung bakit o dapat pa ba kaming mag usap pa.
Sa isang parte ng mall kami pumwesto para mag usap, kakaonti lang ang mga tao roon.
"kumusta kayo ni Sweetheart?" -Eros
Parang nagulat pa ko nung magsalita si Eros, Di ba ako ang nagyaya sa kanyang makipag usap, bakit parang kinabahan naman ako sa tanong nya.
"ah, yun, ok lang naman. Masaya" pilit kong pinapasigla ang boses ko
"masaya?" ulit nyang tanong
"oo."
Katahimikan.
"kayo ni Sammy, mukhang nagkakamabutihan kayo ah?" Tanong ko, baka sakaling malaman ko kung ano ang iniisip nya.
"ok naman, masaya rin sya kausap."
Katahimikan ulit
"pre may gusto ka pa ba kay Art?" tangn@! Bakit ba basta ko na lang nasasabi yung nilalaman ng isip ko?!
"bakit kailangan mo pang tanungin yan, di ba kayo na nga. Balewala na kung gusto ko." sagot ni Eros. Kita ko ang biglang paninigas ng panga nya, alam nyo yung gigil? At yung pagkuyom ng kamao nya. Bakit hindi nya sinabing hindi nya ito gusto?
"alam mo pre, di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Alam ko rin wala akong paki. Pero payong kaibigan lang, hindi mahirap mahalin si Sammy, Hindi pwedeng parehong iyo. Kahit ayaw mo, pipili at pipili ka." -Eros

BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)
Teen Fictionshe likes him, he secretly likes her too. the problem is he's torpe! his solution to that is to create another him.. paano kung ang crush mo, eh crush ka rin? kaso torpe sya masyado!? aantayin mo pa ba syang magtapat sayo o uunahan mo na syang magt...