KARL'S POV
"karl, pwede ka bang makausap? kahit saglit lang.."
"ahm... tungkol san ba?"
ang totoo, ayoko sanang makipag-usap kay sammy. sinusundan ko kasi si art.. kanina, nkita ko syang tumatakbo palabas ng resort. where is she going? may problema ba ito? baka kailangan nya ng makakausap..
"ahm, sam, pwede bang mamaya na lang?"
"please...?"
wala na akong magawa, tungkol san ba kasi ang pag-uusapan namin? niyaya nya akong maupo sa isa sa mga bench malayo sa may pool. mukhang seryoso ang pag-uusapan namin ha? ngayon ko lang nakitang ganon ang hitsurani sammy.
"ahm.. ano bang pag-uusapan natin sam? ba't ganyan mukha mo?"
i tried to break the silence between us. hindi kasi ako mapalagay eh. plus the fact na iniisip ko kung anong nangyari kay art.
"ahm... karl...gusto ko lang sanang sabihin sayo yung nararamdaman ko."
napatingin ako kay sammy. nakayuko lang ito. nararamdaman? anong nararadaman?
"g-gusto kita..."
what? muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. m-may gusto si sammy sakin? how come i didn't notice that before?
"g-gusto kita dati pa, nung grade 8 pa lang tayo."
ahmmm... ano bang sasabihin ko? parang bigla akong nawalan ng boses. ano bang dapat kong gawin?
"alam ko naman na si art talaga ang gusto mo. okay lang at least nasabi ko yung feelings ko para sayo. whatever happens wala akong pagsisisisihan na hindi ko inamin sayo."
"ahm.. sammy... thanks ha? at sorry din kung di ko napapansin."
she just smiled...
sign na ba to na dapat na akong bumitaw kay art? kung tutuusin 3 years na din akong umaasa na magbabago yung feelings ni art para sa akin.. at sa sitwasyon naming ito na may eros pang sumisingit, parang mas lalong lumabo yung pag-asa ko. pero kawawa naman si sammy kung magiging panakip-butas lang.. mas masakit sa kanya yun dahil alam nya ang tunay na nararamdaman ko.
"sammy.. alam mo naman yung nararamdaman ko para sa kaibigan mo diba? ayokong maging panakip-butas ka."
"ok lang. h-hindi naman ako umaasa. s-sige una na ako."
tumayo na si sammy. alam ko nasaktan sya. sa boses nya pa lang, alam ko na na pinipigilan nya yung pag-iyak nya..
ilang hakbang na ang layo nya sakin. tama ba ang gagawin ko?
"magsimula tayo uli!"
napahinto sya sa pglalakad nya at lumingon sa kinauupuan ko..
siguro nga, mali ang gagawin ko, pero hindi naman tamang mag-antay ako sa taong wala namang nararamdaman sa akin. andito ang isang babae na gusto ako bakit hindi ko subukang mag-move on?
"magsimula tayo sa umpisa, let's see kung magwo-work out yung relationship natin. let's give each other a chance."
lumapit na ako sa kanya, nakita kong umiiyak sya.
"tama na, wag ka na umiyak."
pinunasan ko ng mga kamay ko yung mukha nya.
"t-tears of joy yan. thanks ha?"
"hindi, ako dapat nagpapasalamat sayo. thank you."
as she embraced me, parang sumakit yung puso ko.. wala talaga tong ibang laman kundi si art..
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)
Teen Fictionshe likes him, he secretly likes her too. the problem is he's torpe! his solution to that is to create another him.. paano kung ang crush mo, eh crush ka rin? kaso torpe sya masyado!? aantayin mo pa ba syang magtapat sayo o uunahan mo na syang magt...