chapter 10 torpe's sweet surprise!

22 1 1
                                    

ART'S POV

christmas eve..

i think nagawa ko naman na yung mga dapat kong gawin, nakapagtext na ko sa mga kaibigan ko ng mga christmas greetings..

nakaprepare na yung food, dalawa lang kami ni mama kaya hindi na kami naghanda ng marami.. yung mga traditional na noche buena lang. ham, queso de bola, salad, spaghetti, caldereta at leche flan.. actually, kanina ko pa nga yun nilalantakan eh. hehehe!

10 seconds before christmas..

10..

9...

8...

7..

6...

5...

4...

3...

2..

1...

Merry Christmas!!!!

"merry christmas mom!"

"merry christmas baby heart! i love you!"

"love you too!"

pinagsaluhan na namin yung handa.. sa totoo lang kuntento na ko kahit kami lang dalawa ni mama, pero syempre gusto ko rin syang maging happy. sakin ok lang naman kung magkakaroon si mama ng manliligaw eh. bata pa naman sya at saka maganda. matagal naman nang wala si papa eh. pero hanggang sa huli ako pa rin ang iniisip nya.. ayaw nya na daw mag-asawa uli kasi dalaga na daw ako, baka mapag-interesan daw ako nung magiging boyfried nya kaya di na lang sya nagboyfriend..

kaya love na love ko si mama eh, kasi kahit kaligayahan nya kaya nyang isacrifice para sakin.. kaya promise ko kay mama, aalagaan ko sya parati, hinding-hindi ko sya iiwan..

after namin magnoche buena, pumasok ko sa room ko, kailangan matulog ng maaga kasi busy-busihan nanaman bukas, ang daming inaanak ni mama eh. hehehe!

napatingin ako sa side table ko, may isang regalo dun na hindi ko pa naiibibigay.. kay torpe..

kinuha ko yung phone ko para itext sya..

me: merry christmas torpe!

nag-antay ako kaso di sya nagrereply.. para tuloy may kulang..

nagprepare na ko para matulog ng biglang tumunog yung phone ko..

*toot* *toot*

torpe: merry christmas sweetheart! gising ka pa ba?

me: yup! nag-aantay ako sa text mo eh.

torpe: punta ka naman sa clubhouse kahit saglit lang..

huh? tiningnan ko yung orasan, 12:15 na ng umaga..

wala nang tao sa labas, malapit lang naman samin yung clubhouse tatlong bahay lang yung pagitan kaso, gabi na eh, i mean, madaling-araw na eh.

me: bakit? madaling-araw na eh..

torpe: sige na please? kahit saglit lang, may ibibigay lang ako sayo

ha?! nasa clubhouse si torpe? ano kaya? nagdecide akong pumunta.. nagsuot lang ako ng sweater kasi malamig na..

me: ok, wait lang..

dali-dali akong pumunta sa baba.. bahala na...

*****

naglalakad na ko palapit sa clubhouse pero wala akong makitang tao, para tuloy gusto kong magdalawag-isip..

pagdating ko, nakabukas lahat ng ilaw.. tapos may mga nakasabog na rose petals sa sahig ng hall, at sa gitna may nakita akong 3feet tall sa stuff toy, may nakadikit sa kanyang bouquet of roses at isang card..

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon