chapter 17 sweetheart's day

16 1 0
                                    

EROS' POV

Ano to?! Bakit si karl ang kasayaw ni art? Hindi ito pupwede, parang sasabog ang dibdib ko sa galit. Sa sobrang galit nasuntok ko yung punong pinagtataguan ko, bakit? Bakit?

Kanina aaminin ko na sana kay art na ako si torpe, pero biglang dumating si princess, at ayun nagkalat. Magagawa ko bang magtapat ng ganon ang sitwasyon? Syempre hindi. Nung nagpahatid si princess ayoko sana kaso natorpe na ko kay art eh, kelangan kong mag-ipon ulit ng tapang..

Habang paalis kami nakasalubong ko si karl, ayoko man kasi wala akong tiwala sa kanya nag-aalala naman ako na naiwang mag-isa si art dun.

"Karl, si art, mag-isa sa may pavilion.. pakisamahan naman sya.. babalik din ako agad, pakisabi lang.."

"Ano? Bat andun sya? At saka bat sya nag-iisa dun?"

"Ihahatid ko lang sa may sakayan si princess, babalik ako kaagad."

"Iniwan mo sya para dito? Gago ka pala eh."

Saka sya nagmamadaling puntahan si art. Kung naiba iba yung sitwasyon baka nasuntok ko sya sa sinabi nya, pero sa ngayon may point sya, iniwan ko yung babaeng lagi kong sinasabing mahal ko para sa isang tao na wala naman dapat akong pakialam..

at ngayon, pinagsisisihan ko yun ng malaki, ng makita ko silang nagsasayaw.. ako dapat ang nandun sa lugar na yun, kasama si sweetheart, masayang nagsasayaw, walang pakialam sa mundo.. pero bakit si karl ang nandun? Bakit hindi ako inantay ni art? Hindi na ba importante sa kanya kung makilala nya pa si torpe o hindi?

Dapat ako ang nandun kasama nya eh, dapat ako yung kasayaw nya. Pero bakit ganito?

Hindi ko na kinaya yung nakita ko, umuwi na ko, what's the point of staying there, kung matotorture lang ang puso ko sa nakikita ko.

"O anak, ang aga mo umuwi ah?" -mom

"Not now ma.."- me, ayoko munang makipag-usap

Dumiretso na ko sa kwarto, dun sa pwestong tinambayan ni art noong nagstay sya sa bahay, dun ako nagmukmok. Parang nang-aasar naman, paulit-ulit yung flashback sa utak ko nung nakita kong pagsasayaw nila..

Ahhhhhh!!! Mababaliw na ata ako, halo halo na yung naramdaman ko, selos, galit, awa sa sarili.. nalilito na ko..

Shit! Lahat ng mahawakan ko basta ko na lang naibato. Sipa sa upuan, sipa sa kama.. suntok sa pader.. ahhh!! Bat ayaw maalis ng gantong pakiramdam?

Ang gago ko, ang bobo ko, torpe, abnormal..

Di ko namalayan umiiyak na pala ako, saka lang parang nakalma ang utak ko..

'Art, kung alam mo lang gano kita kamahal...'

ART'S POV

Ang saya kagabi, biruin mo si karl pala ay si Torpe, kaya pala comfortable ako sa kanya kasi all this time pala magkakilala na kami, di tuloy maalis sa isip ko lahat ng mga bagay na ginawa noon ni torpe, ngayon may picture na sa isip ko at yun si karl..

"Hi mga best!" Bati ko kila sammy

"Happy birthday! Mukhang maganda ang mood natin ah!?" -myla

"Yup!"

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon