ART'S POV
nababaliw na ata ako. anong sasabihin ko? anong gagawin ko? parang di nagfu-function ng maayos utak ko. saka lang nag-sink in sa utak ko yung mga nangyari. nyek!? san ba ko matutulog? hindi ko maiopen sa kanya kasi.. alam nyo na baka iba isipin nya.. kaso ano ngang gagawin ko?!
nakabalik na si eros mula sa kitchen, bigla tuloy akong napaupo.. palakad-lakad kasi ako kanina eh.. hehehe..
ano kaya kung sabihin ko sa kanya na lipat na lang ako sa ibang kwarto. malaki naman bahay nila eh, marami silang available na room.. kaso baka naman ma-homesick ako. atsaka baka di ako makatulog, pag di ako nakatulog baka may magpakita sakin multo.. yay!
"oy ok ka lang?" -eros
"h-ha!?"
kanina paba to dito?
"sabi ni tita,dito ka na daw matulog kasi wala ka ring aabutang tao sa inyo. stranded daw sya sa office."
hello!? sinabi din kaya ni mama sakin yun..
"ah eh... di ba nagalit parents mo?"
"hindi, wag mo na silang intindihin, tulog na yung mga yun."
nakita kong inaayos nya yung kama,. baka ibigay nya sakin..
whew!
diba ganon sa mga movies? magiging gentleman yung mga lalake tapos,ibibigay yung higaan nila sa girl. tapos, nagtitiis silang matulog sa sahig kahit maginaw.. ang romantic!
"so tulog na tayo.."
"eh, pano ka? san ka matutulog?"
"eh di dito.."
sabay turo sa kama nya.. o.0
"nye!? eh san ako matutulog!?"
sige sabihin mo lang na sa sahig, lagot ka sakin..
he smiles..
"eh di dito rin. bakit? gusto mo bang sa sahig matulog?"
ay walanghiya!
kabadtrip! ang ganda na nga ng iniimagine ko eh.. ako nakahiga sa kama nya, tapos sya nasa baba.. ang sweet, tapos di man lang sya nag-offer na ibigay sakin yung higaan nya..
tablado ko dun ah!
"diba dapat babae ang nasa kama?"
"eh hindi naman ako natutulog sa sahig eh."
"kahit na, dapat sa lapag ka.."
"eh ikaw nga ayaw mo rin eh. unfair naman sakin yun."
oo nga no? malaki naman ang kama nya, pwede naman siguro kaming matulog nang magkatabi ng hindi nagkakahawakan eh.
kaso di pa rin ako komportable eh..
"sorry ha? wala pa kasi akong nakakatabi sa pagtulog kahit kelan eh."
natigilan sya..
"you mean? you're still a--- ako din eh."
ha? anong bang sinasabi nito? totoo namang wala pa kong nakakatabi eh!
ay shocks! hindi kaya? ano ba naman yan!? ng bobo ko! bka nagkaroon ng ibang ibig sabihin sa kanya nung sinabi ko.. ang daldal ko talaga! nakakaiis!! grr!
silence....
o///o) ("=.=
awkward!!!!
umupo ako sa may bintana, yun na ata ang favorite kong spot sa kwarto nya.. tapos sya kumuha ng gitara at umupo dun sa may paanan ko.. nagstrum lang sya pero di naman sya kumakanta... parang wala lang.. para mabawasan siguro yung awkwardness..
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)
Teen Fictionshe likes him, he secretly likes her too. the problem is he's torpe! his solution to that is to create another him.. paano kung ang crush mo, eh crush ka rin? kaso torpe sya masyado!? aantayin mo pa ba syang magtapat sayo o uunahan mo na syang magt...