chapter 15 js na!

13 1 0
                                    

This is it pancit!

Nakakakaba na nakakaexcite!

Sabay-sabay na kaming nagpunta nila myla at sammy sa venue. Grabe! Ang ganda ng lugar! Parang magic! Ang oa ko ba kung ikukumpara ko sya sa fairytale? Sana nga lang andito din prince charming ko.. hehehe!

Speaking of...

"Art, si eros oh!" -myla

"San?"

Halos magkadahaba yung leeg ko kakahanap kung san si eros.

Ayun nga sya. Shocks! Ang gwapo nya sa suot nyang suit. Para tuloy gusto ko nang maniwala na fairytale nga itong gabing ito.

After nun, di na kami nagkaroon ng chance na makalapit sa isat-isa, para ngang di nya ko napapansin eh. Nakapag-entourage na kami, opening ceremony. Etc.

"Art, ano na? Kausapin mo na si eros!" -myla

"Oo nga naman. Sige ka maunahan ka ng iba."- sammy

Kanina pa ko kinukulit ng mga ito para makipagsayaw kay eros. Eh diba dapat sya ang magyaya sa akin?! Eh bat ako?

"Dapat sya ang magyaya diba?"

"Tongak! Pag inantay mo syang unang mag-aproach sayo, magkakaugat ka lang jan sa kinauupuan mo no?!" -myla

"Tama, tama! May point dyan!" -sammy

Ano nga kaya? Wala naman sigurong masama no? Friend naman kami. Kaso nga lang pag tumanggi sya...

Sana lamunin na lang ako ng lupa!

"Pano pag tumanggi?" -me

"hindi yan" -Myla

"oo nga, ata saka pano pag hindi?" -Sammy

"Oo na ! Kakausapin ko na sya."

"Go! Go!"

Wait lang, mag-iipon pa ako ng tapang.

After siguro mga 30 minutes saka lang ako nagkalakas ng loob lumapit sa upuan nila Eros, buti na lang mag-isa lang sya sa table nila.

"H-hi e-eros.."

"Hello"

Nakakakaba naman to, parang walang reaksyon.

"P-pwede bang ahm.. ano.. ano kasi eh.."

I saw her brows raise, mukhang nalilito din ito.

"Pwede bang makipagsayaw?"

Mukhang na-shocked naman si Eros sa sinabi ko. Bat ang tagal nyang sumagot? Ayaw nya ata, Lord, pakiusap, pakain nyo na ko sa lupa!

"S-sige, kung ayaw mo, o-okay lang. U-una na ko."

Akmang aalis na ko nung bigla syang nagsalita.

"Wait! Sorry ha? Nabigla lang ako kasi di ko iniexpect na yayayain mo ako." -eros

I smiled... awkwardly syempre.

"Teka lang, let me do the right thing.." -Eros, sabay lahad ng kamay nya sa akin. "May I have this dance?"

Heaven!!!!!

Wait lang ha? Titili lang ako sa utak ko.... aaayyyyyyeeeiiii!!!!!!!!!!

Ok... ok na ako..

"S-sure.." Napangiti ako habang inaabot ko yung kamay ko sa kanya. Ako lang ba, o parehong malamig yung kamay namin?

Papunta na kami sa dancefloor nang biglang magsalita yung dj.

"Hey! Sweet lovers out there, move over muna. Party peeps tara dance na! Party! Party!"

Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan ng mga tao at dagundong ng tunog mula sa speakers.

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon