chapter 8 tamang hinala

23 1 0
                                    

ART'S POV

nakakainis! ibinisto ko yung sarili ko kay eros kagabi. buti na lang saturday ngayon, dalawang araw walang pasok. ano kaya kung wag na akong pumasok sa monday? o kaya magpaexcuse ako ng one week kunwari may sakit ako. nakakainis talaga!!!

hindi ko man sabihin sa kanya na gusto ko sya, hello!? matic na yun noh!? obvious na obvious naman na nagseselos ako eh..

anong gagawin ko?

magsosorry?

magmamaang-maangan as if walang nangyari?

o

umamin?

@_@

erase! erase! erase!

*toot* *toot*

myla: art, musta na pakiramdam mo?

me: ok na. thanks! hinatid ba kayo ni karl?

myla: oo. mukha ngang badtrip eh.

me: bakit?

myla: tatanong ka pa! punta ka dito sa bahay, ako lang ang andito.

me: sakit pa ulo ko eh!

myla: dali na! wala na kong load! at saka may ikukwento ka pa sakin.

me: ano?

myla: sabi mo kahapon, may boyfriend ka na.

shocks! oo nga pala! paktay na!

me: oo na! punta na ko dyan. maghanda ka ng food ha!? gutom na ko eh!

myla: dyan ka na kumain!

me: maghanda ka dyan. hehehe!

myla: oo na! punta ka na dali!

apurado! hehehe!

siguro nga kailangan ko magpunta kila myla, para matanong ko na rin kung ano bang dapat kong gawin dito kay eros.

****************

"myls, anong gagawin ko?"

pagkarating ko kila myla, ikinuwento ko sa kanya yung nangyari nung inihatid ako ni eros.

"tingin mo ba alam nya na na may gusto ako sa kanya?

"malamang! makapagselos ka kasi wagas eh!"

"bwisit kasing princess yun eh. tinarayan ako sa pool."

"nagtataka lang ako art, bakit ikaw lang ang nakakaalam? sa gwapo ni eros, siguradong kakalat yung balita na may girlfriend na sya. and knowing princess? baka sya pa magkalat nun."

oo nga noh?

"eh, malay mo naman, secret on sila."

"bahala ka. maiba tayo, sino yung sinasabi mong boyfriend?"

"ah, ganto kasi yun, may textmate ako si torpe, admirer ko daw.."

"may ganon!?" sabay tawa ni nya. pang-asar to ah!

"ano?! itutuloy ko pa ba o hindi na!?"

"sige na, sige na.. tuloy mo na.."

"sya yung nagbigay sakin nung flower nung first day ng 2nd sem. kahapon nung natutulog ako sa bus, ewan ko kung paano nya nagawa, nagbigay sya sakin ng chocolate."

"ang tanga mo naman, di mo man lang namalayan!?"

"maka-tanga ka naman! eh sa tulog nga ako eh. wag ka ngang sabat ng sabat! di ko na itutuloy yung kwento ko."

I'M INLOVE WITH MR. TORPE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon